Walang kasal malibang may isang walīy."}

Walang kasal malibang may isang walīy."}

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang kasal malibang may isang walīy."}

[Tumpak]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang babae ay hindi natutumpak pakasalan malibang may isang walīy na magsasagawa ng kontrata ng pagkakasal.

فوائد الحديث

Ang walīy ay isang kundisyon sa katumpakan ng kasal; kaya kapag naganap ang kasal nang walang walīy o nagpakasal ang babae ng sarili niya, hindi natumpak ang kasal.

Ang walīy ay ang pinakamalapit na lalaking kaanak ng babae, kaya naman hindi magkakasal sa kanya ang isang walīy na malayong kaanak kasabay ng pagkakaroon ng isang kaanak na higit na malapit kaysa roon.

Isinasakundisyon sa walīy ang taklīf (pagkanaaatangan ng tungkulin), ang pagkalalaki, ang pagkagabay sa pagkakaalam sa mga kapakanan ng pag-aasawa, at ang pagkakaisa ng relihiyon ng walīy at babaing ipinakakasal. Kaya ang sinumang hindi nailalarawan sa mga katangiang ito ay hindi karapat-dapat sa pagiging walīy sa pagdaraos ng kasal.

التصنيفات

Ang Pag-aasawa