Ang Pag-aasawa
5- ((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito;Ang Pinuno ay Taga-pangalaga,at ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa mga nananahanan sa bahay niya,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya at sa mga Anak niya,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito)) Napag-kaisahan ang Katumpakan,At ayon kay Ibnu `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Ang Pinuno ay Taga-pangalaga at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,At ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa Pamilya nito at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Alipin ay Taga-pangalaga sa kayamanan ng pinuno niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at may pananagutan sa pinangangalagaan nito))
20- Na ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay dumating sa kanya ang isang babae at nagsabi: Tunay na iniaalok ko aking sarili sa iyo:Tumindig siya ng matagal,Nagsabi ang isang lalaki: O Sugo ni Allah,ipaasawa mo siya sa akin,kung wala kang pagkagusto sa kanya.Nagsabi siya:Mayroon kabang ilang bagay na ipag-kakawanggawa mo sa kanya?Ang sabi niya:Walang-wala ako,maliban sa sarong na ito,Nagsabi ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang sarong mo,kapag ibinigay mo ito,uupo ka na wala kang sarong,Maghanap ka ng kahit na anong bagay,Sinabi niya: Wala akong natagpuan,Nagsabi siya: Maghanap ka kahit singsing na yari sa bakal,Naghanap siya ngunit wala siyang natagpuan.Nagsabi ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Mayroon kabang naisa-ulo mula sa Qura-an?Sinabi niya: Oo,Nagsabi ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:-Ipinapa-asawa kita sa kanya sa mga naisa-ulo mo mula sa Qur-an))