Kabilang sa Sunnah,kapag nakasal ang dalaga sa may asawa,mananatili siya sa kanya ng pitong araw,pagkatapos ay hahatiin niya [ang mga araw sa kanyang mga asawa].At kapag nakasal siya sa may karanasan sa pag-aasawa [balo o debersiyo],mananatili siya sa kanya ng tatlong araw,pagkatapos ay hahatiin…

Kabilang sa Sunnah,kapag nakasal ang dalaga sa may asawa,mananatili siya sa kanya ng pitong araw,pagkatapos ay hahatiin niya [ang mga araw sa kanyang mga asawa].At kapag nakasal siya sa may karanasan sa pag-aasawa [balo o debersiyo],mananatili siya sa kanya ng tatlong araw,pagkatapos ay hahatiin niya [ang mga araw sa kanyang mga asawa])) Sinabi ni Abu Qilabah: "Kung ninais ko lang ay sinabi ko nang:Tunay na si Anas ay ibinalik niya ito sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: ((Kabilang sa Sunnah,kapag nakasal ang dalaga sa may asawa,mananatili siya sa kanya ng pitong araw,pagkatapos ay hahatiin niya [ang mga araw sa kanyang mga asawa].At kapag nakasal siya sa may karanasan sa pag-aasawa [balo o debersiyo],mananatili siya sa kanya ng tatlong araw,pagkatapos ay hahatiin niya [ang mga araw sa kanyang mga asawa])) Sinabi ni Abu Qilabah: "Kung ninais ko lang ay sinabi ko nang:Tunay na si Anas ay itinaas niya ito sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Kabilang sa Sunnah,kapag nakasal ang dalaga sa may asawa,mananatili siya sa kanya ng pitong araw upang lambingin niya ito,at tanggalin ang pagkamahiyain niya,dahil bago sa kanya ang pag-aasawa.Pagkatapos ay hahatiin nito [ang mga araw] sa mga asawa niya nang pantay-pantay.At kapag nag-asawa siya ng may karanasan sa pag-aasawa[ balo o biyuda],mananatili siya sa kanya ng tatlong araw,dahil mas maliit ang pangangailangan niya sa una.At ang marangal na panuntunang ito,ay naisalaysay sa Hadith na ito,na kung saan ay may panuntunang pagtaas;Dahil ang mga nanalaysay,kapag sinabi nilang;Mula sa Sunnah,Wala silang ibang layunin dito maliban sa Sunnah ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At ang pagtaas at ang Hadith na itinaas,ang kahulugan nito ay ang naidugtong sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan

التصنيفات

Ang Pagsasamahan ng Mag-asawa