Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa babaing anak ni Ḥamzah: "Hindi siya ipinahihintulot para sa akin. Ipinagbabawal dahil sa pagpapasuso ang ipinagbabawal dahil sa kaangkanan. Siya ay babaing anak ng kapatid ko sa pagpapasuso."

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Hinangad ni `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mapangasawa ang anak ni ng tiyuhin nilang si Ḥamzah. Ipinabatid niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dito na iyon ay hindi ipinahihintulot na mapangasawa niya dahil iyon ay anak ng kapatid niya sa pagpapasuso. Tunay na siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ang tiyuhin niyang si Ḥamzah ay sumuso kay Thuwaybah, na alipin ni Abū Lahab, kaya si Ḥamzah ay naging kapatid niya sa pagpapasuso at siya naman ay naging tiyuhin ng anak nito. Ipinagbabawal dahil sa pagpapasuso ang ipinagbabawal tulad niyon dahil sa kaangkanan.

التصنيفات

Ang mga Ipinagbabawal sa Pag-aasawa, Ang Pagpapasuso