إعدادات العرض
1- Ang pagpapasuso ay nagbabawal sa [gaya ng] ipinagbabawal ng panganganak.
2- Pumasok sa silid ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang sa piling ko ay may isang lalaki kaya nagsabi siya, o `Ā'ishah, sino ito? Nagsabi ako: Kapatid ko sa pagpapasuso. Nagsabi siya: o `Ā'ishah, isaalang-alang ninyo kung sino ang mga kapatid ninyo sapagkat ang [kapatiran sa] pagpapasuso ay dahil sa gutom [ng sanggol].
3- Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa babaing anak ni Ḥamzah: "Hindi siya ipinahihintulot para sa akin. Ipinagbabawal dahil sa pagpapasuso ang ipinagbabawal dahil sa kaangkanan. Siya ay babaing anak ng kapatid ko sa pagpapasuso."
4- Papaano na gayong nag-angkin na siya na pinasuso niya kayong dalawa?
5- Tunay na siya, kahit pa man hindi naging anak na panguman ko, ay hindi ipinahihintulot sa akin. Tunay na siya ay talagang anak ng kapatid ko sa pagpapasuso. Pinasuso ako at si Abū Salamah ni Thuwaybah, kaya huwag ninyong iaalok sa akin ang mga anak ninyo ni ang mga kapatid ninyo.