Pumasok sa silid ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang sa piling ko ay may isang lalaki kaya nagsabi siya, o `Ā'ishah, sino ito? Nagsabi ako: Kapatid ko sa pagpapasuso. Nagsabi siya: o `Ā'ishah, isaalang-alang ninyo kung sino ang mga kapatid ninyo sapagkat ang…

Pumasok sa silid ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang sa piling ko ay may isang lalaki kaya nagsabi siya, o `Ā'ishah, sino ito? Nagsabi ako: Kapatid ko sa pagpapasuso. Nagsabi siya: o `Ā'ishah, isaalang-alang ninyo kung sino ang mga kapatid ninyo sapagkat ang [kapatiran sa] pagpapasuso ay dahil sa gutom [ng sanggol].

Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Pumasok sa silid ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang sa piling ko ay may isang lalaki kaya nagsabi siya, o `Ā'ishah, sino ito? Nagsabi ako: Kapatid ko sa pagpapasuso. Nagsabi siya: o `Ā'ishah, isaalang-alang ninyo kung sino ang mga kapatid ninyo sapagkat ang [kapatiran sa] pagpapasuso ay dahil sa gutom [ng sanggol]."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Pumasok ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa silid ni `Ā'ishah at natagpuan niya itong kasama ang lalaking kapatid nito sa pagpapasuso, at siya naman ay hindi nakaaalam tungkol doon, kaya nagbago ang mukha niya dahil sa pagkasuklam sa gayong kalagayan at bilang paninibugho para sa mga maḥram niya. Nalaman ni `Ā'ishah ang dahilan na nagpabago sa mukha niya kaya ipinabatid nito sa kanya na iyon ay kapatid nito sa pagpapasuso kaya nagsabi naman siya: "O `Ā'ishah, isaalang-alang ninyo at tiyakin ninyo ang pagpapasuso sapagkat tunay na mayroon dito na hindi nagdadahilan ng pagkamaḥram. Kailangan ang pagpapasuso na tumutubo dahil doon ang laman at tumatatag sa pamamagitan niyon ang mga buto. Iyon ay nangyayari dahil sa pagkagutom kapag ang sanggol ay nangangailangan ng gatas at hindi kumakain ng iba pa. Ang sanggol sa sandaling iyon ay magiging gaya ng bahagi ng nagpapasuso kaya magiging gaya ng isa sa mga anak niya kaya hindi siya magbebelo sa harap nito at makakapiling niya ito sa pribado. Ito ay magiging maḥram niya sa paglalakbay. Ito ay nakasasaklaw sa nagpapasuso, asawa niya, ang may-ari ng gatas, mga anak nilang dalawa, mga kapatid nilang dalawa, mga ama nilang dalawa, at mga ina nilang dalawa.

التصنيفات

Ang Kahatulan ng Pagpapasuso