Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpalaya kay Ṣafīyah at ginawa niya ang pagpapalaya rito bilang bigay-kaya rito.

Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpalaya kay Ṣafīyah at ginawa niya ang pagpapalaya rito bilang bigay-kaya rito.

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpalaya kay Ṣafīyah at ginawa niya ang pagpapalaya rito bilang bigay-kaya rito.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Si Ṣafīyah na anak ni Ḥuyayy - isa sa mga pinuno ng liping An-Naḍīr - ay maybahay ni Kinānah bin Abilḥaqīq noon, na napatay sa Araw ng Khaybar at nasakop pa ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang Khaybar. Ang mga babae at ang mga bata ay naging mga alipin ng mga Muslim at kabilang sa kanila si Ṣafīyah. Napunta siya kay Diḥyah bin Khalīfah, malugod si Allāh sa kanya, bilang parte. Tinumbasan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, si Diḥyah kapalit ni Ṣafīyah ng iba rito at pinili niya ito para sa sarili niya bilang pagpapatiwasay sa isip nito at bilang awa rito dahil sa nawalang karangalan nito. Bahagi ng pagkamapagbigay niya, tunay na siya ay hindi nagkasya sa pakikinabang dito bilang isang hamak na alipin, bagkus inangat niya ang kalagayan nito sa pamamagitan ng pagsagip sa kanya sa kahamakan ng pagkaalipin. Ginawa niya ito bilang isa sa mga ina ng mga Mananampalataya dahil pinalaya niya ito, pinakasalan niya ito, at ginawa niya ang pagpapalaya rito bilang bigay-kaya rito.

التصنيفات

Ang Bigay-kaya