إعدادات العرض
1- O Sugo ni Allāh, nagpakasal po ako sa isang babae." Nagsabi siya: "Ano ang ibinigay-kaya mo sa kanya." Nagsabi ito: "Singbigat ng buto na ginto." Nagsabi siya: "Magdulot si Allāh ng pagpapala sa iyo. Maghanda ka kahit man lamang isang tupa."
2- Na ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay dumating sa kanya ang isang babae at nagsabi: Tunay na iniaalok ko aking sarili sa iyo:Tumindig siya ng matagal,Nagsabi ang isang lalaki: O Sugo ni Allah,ipaasawa mo siya sa akin,kung wala kang pagkagusto sa kanya.Nagsabi siya:Mayroon kabang ilang bagay na ipag-kakawanggawa mo sa kanya?Ang sabi niya:Walang-wala ako,maliban sa sarong na ito,Nagsabi ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang sarong mo,kapag ibinigay mo ito,uupo ka na wala kang sarong,Maghanap ka ng kahit na anong bagay,Sinabi niya: Wala akong natagpuan,Nagsabi siya: Maghanap ka kahit singsing na yari sa bakal,Naghanap siya ngunit wala siyang natagpuan.Nagsabi ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Mayroon kabang naisa-ulo mula sa Qura-an?Sinabi niya: Oo,Nagsabi ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:-Ipinapa-asawa kita sa kanya sa mga naisa-ulo mo mula sa Qur-an))
3- Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpalaya kay Ṣafīyah at ginawa niya ang pagpapalaya rito bilang bigay-kaya rito.