إعدادات العرض
Ang alinmang babae na nagpakasal nang walang pahintulot ng mga walīy niya, ang kasal niya ay walang-saysay – nang tatlong ulit – saka kung nakipagtalik ito sa kanya, ang bigay-kaya ay ukol sa kanya dahil sa ginawa nito sa kanya. Kapag nagtalu-talo sila, ang tagapamahala ay walīy ng sinumang…
Ang alinmang babae na nagpakasal nang walang pahintulot ng mga walīy niya, ang kasal niya ay walang-saysay – nang tatlong ulit – saka kung nakipagtalik ito sa kanya, ang bigay-kaya ay ukol sa kanya dahil sa ginawa nito sa kanya. Kapag nagtalu-talo sila, ang tagapamahala ay walīy ng sinumang walang walīy para sa kanya."}
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang alinmang babae na nagpakasal nang walang pahintulot ng mga walīy niya, ang kasal niya ay walang-saysay – nang tatlong ulit – saka kung nakipagtalik ito sa kanya, ang bigay-kaya ay ukol sa kanya dahil sa ginawa nito sa kanya. Kapag nagtalu-talo sila, ang tagapamahala ay walīy ng sinumang walang walīy para sa kanya."}
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو हिन्दी 中文 ئۇيغۇرچە Kurdî Português Nederlands অসমীয়া Tiếng Việt ગુજરાતી Kiswahili አማርኛ پښتو සිංහල Hausa ไทย മലയാളംالشرح
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapakasal ng babae ng sarili niya nang walang pahintulot ng mga walīy niya at na ang kasal niya ay walang-saysay. Umulit nga siya nito nang tatlong ulit at para bang iyon ay hindi nangyari. Kung nakipagtalik sa kanya ang pinakasalan niya nang walang pahintulot ng walīy niya, ang buong bigay-kaya ay ukol sa kanya dahil sa ginawa nito na pakikipagtalik sa kanya sa ari niya. Kapag naghidwaan ang mga walīy sa pagkawalīy sa pagdaraos ng kasal – at ang mga antas nila rito ay magkapantay – ang [karapatan sa] pagdaraos ay ukol sa sinumang nauna roon sa kanila, kapag iyon ay naging isang pagsasaalang-alang mula sa walīy sa kapakanan ng babae. Kung tumanggi ang walīy sa pagpapakasal kaya para bang walang walīy para sa babae, ang tagapamahala o ang kinatawan nito kabilang sa mga hukom at tulad ng mga ito ay ang walīy ng babae; at kung hindi, walang pagkawalīy ukol sa tagapamahala kasabay ng pagkakaroon ng walīy.فوائد الحديث
Ang pagsasakundisyon ng pagkakaroon ng walīy para sa katumpakan ng kasal. Naikuwento buhat kay Al-Mundhir na hindi nalalaman buhat sa isa sa mga Kasamahan ang kasalungatan niyon.
Sa kasal na walang-saysay, nagiging karapat-dapat ang babae sa bigay-kaya kapalit ng pakikipagtalik ng lalaki sa kanya.
Ang tagapamahala ay walīy ng sinumang walang walīy kabilang sa mga babae, maging iyon man ay dahilan sa kawalan ng pagkakaroon nito sa simula pa man o dahilan sa pagtanggi ng walīy sa pagpapahintulot sa pagpapakasal sa kanya.
Ang tagapamahala ay itinuturing na walīy ng sinumang walang walīy sa kaso ng pagkawala ng walīy o kawalang-kakayahan nito. Hahalili sa halip ng tagapamahala ang hukom dahil ito ang kinatawan para sa kanya sa mga usaping ito.
Ang pagkawalīy sa pagpapakasal sa babae ay hindi nangangahulugan na walang ukol sa kanya na karapatan; bagkus may ukol sa kanya na karapatan at hindi pinapayagan sa walīy niya na ipakasal siya malibang may pahintulot niya.
Ang mga kundisyon ng tumpak na kasal: 1. Ang pagtukoy sa bawat isa sa mga nagpapakasal sa pamamagitan ng pagtuturo o pagpapangalan o paglalarawan at tulad niyon. 2. Ang pagkalugod ng bawat isa sa mga nagpapakasal sa isa't isa. 3. Ang pagdaos nito ng walīy niya para sa babae. 4. Ang pagsaksi sa pagdaraos ng kasal.
Isinasakundisyon sa walīy na nagdaraos ng kasal: 1. Ang pagkakaroon ng pag-iisip. 2.Ang pagiging lalaki. 3. Ang pagkaadulto dahil sa pagsapit sa edad na 15 taon o pagdanas ng wet dream. 4. Ang pagkakaisa ng relihiyon kaya walang pagkawalīy para sa isang Kāfir sa isang Muslim o isang Muslimah at gayon din walang pagkawalīy para sa isang Muslim sa isang Kāfir o isang Kāfirah. 5. Ang pagkamakatarungang sumasalungat sa kasuwailan at nakasasapat mula rito na mangyari mula sa walīy ang pagsaalang-alang sa kapakanan ng babaing binabalikat niya ang pagpapakasal dito. 6. Ang pagiging ang walīy ay matino, hindi hunghang: ang kakayahan sa pag-alam sa kaangkupan at mga kapakanan ng pag-aasawa.
Ang walīy ng babae sa pagpapakasal ay may pagkakasunud-sunod sa ganang mga faqīh (hurista). Kaya naman hindi pinapayagan na lampasan ang walīy na pinakamalapit na kamag-anak malibang sa sandali ng pagkawala nito o pagkawala ng mga kundisyon nito. Ang walīy ng babae ay ang ama niya, pagkatapos ang pinagtagubilinan nito sa kanya, pagkatapos ang lolo niya sa ama pataas, pagkatapos ang lalaking anak niya, pagkatapos ang mga lalaking anak nito pababa, pagkatapos ang lalaking kapatid niya sa mga magulang niya, pagkatapos ang lalaking kapatid niya sa ama, pagkatapos ang mga lalaking anak ng dalawang iyon, pagkatapos ang pang-amang tiyuhin niya sa mga magulang ng ama, pagkatapos ang pang-amang tiyuhin niya sa ama ng ama, pagkatapos ang mga lalaking anak ng dalawang iyon, pagkatapos ang pinakamalapit saka ang pinakamalapit sa kaangkanan sa kaanak sa ama gaya ng sa pagmamana. Ang tagapamahalang Muslim at ang sinumang kumakatawan dito gaya ng hukom ay ang walīy ng sinumang walang walīy.
التصنيفات
Ang Pag-aasawa