إعدادات العرض
Tunay na ito ay sumunod sa amin; kaya kung loloobin mo, magpapahintulot ka rito; at kung loloobin mo, uuwi ito.
Tunay na ito ay sumunod sa amin; kaya kung loloobin mo, magpapahintulot ka rito; at kung loloobin mo, uuwi ito.
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Badrīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: May nag-anyayang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, para sa pagkaing ginawa nito para sa kanya bilang ikalima sa limang [inanyayahan] ngunit sinundan sila ng isang lalaki. Noong nakaabot ito sa pintuan, nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ito ay sumunod sa amin; kaya kung loloobin mo, magpapahintulot ka rito; at kung loloobin mo, uuwi ito." Nagsabi iyon: "Bagkus, nagpapahintulot po ako sa kanya, o Sugo ni Allāh."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdîالشرح
May nag-anyayang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, para sa pagkaing lima silang inanyayahan ngunit sinundan sila ng isang lalaki kaya sila ay naging anim. Noong nakarating ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa tahanan ng nag-anyaya, nagpaalam siya para sa ikaanim na lalaki. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ito ay sumunod sa amin; kaya kung loloobin mo, magpapahintulot ka rito; at kung loloobin mo, uuwi ito." Pinahintulutan ng may-ari ng paanyaya ang lalaki bilang pagpaparangal sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at sa sinumang kasabay niya.