Ang pinakakarapat-dapat sa mga kundisyon na tuparin ninyo ay ang isinapahintulot ninyo dahil dito ang pakikipagtalik."}

Ang pinakakarapat-dapat sa mga kundisyon na tuparin ninyo ay ang isinapahintulot ninyo dahil dito ang pakikipagtalik."}

Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakakarapat-dapat sa mga kundisyon na tuparin ninyo ay ang isinapahintulot ninyo dahil dito ang pakikipagtalik."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang higit na marapat sa mga kundisyon sa pagtupad ay ang anumang naging isang kadahilanan sa pagkapahintulot ng pagtatamasa sa babae. Ang mga ito ay ang mga kundisyong pinahihintulutan na hinihiling ng maybahay sa pagsasagawa ng kasal.

فوائد الحديث

Ang pagkakinakailangan ng pagtupad sa mga kundisyon na naobliga sa mga ito ang isa sa mag-asawa para sa isa pa, maliban sa kundisyong nagbawal sa isang ipinahihintulot o nagpahintulot sa isang bawal.

Ang pagtupad sa mga kundisyon ng kasal ay higit na nabibigyang-diin kaysa sa iba pa sa mga ito dahil ang mga ito ay kapalit ng pagsasapahintulot ng pagtatalik.

Ang kasukdulan ng katayuan ng pag-aasawa sa Islām yayamang nagbigay-diin ito sa pagtupad sa mga kundisyon nito.

التصنيفات

Ang mga Kundisyon sa Pag-aasawa