إعدادات العرض
Huwag mamuhi ang isang lalaking mananampalataya sa isang babaing mananampalataya. Kung nasuklam siya rito sa isang kaasalan, malulugod naman siya rito sa iba."}
Huwag mamuhi ang isang lalaking mananampalataya sa isang babaing mananampalataya. Kung nasuklam siya rito sa isang kaasalan, malulugod naman siya rito sa iba."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mamuhi ang isang lalaking mananampalataya sa isang babaing mananampalataya. Kung nasuklam siya rito sa isang kaasalan, malulugod naman siya rito sa iba."} O nagsabi siya: "sa iba pa rito."
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල Hausa Kurdî Kiswahili Português دری অসমীয়া Tiếng Việt Svenska Yorùbá Кыргызча ગુજરાતી नेपाली Română മലയാളം Nederlands Soomaali پښتو తెలుగు Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Српски Moore ქართული Українська Čeština Magyar Македонски Lietuvių Azərbaycan Wolof Malagasy Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ አማርኛ O‘zbek ភាសាខ្មែរالشرح
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa asawa laban sa pagkamuhi sa maybahay niya ng isang pagkamuhing nauuwi sa paglabag sa katarungan sa maybahay, pag-iwan dito, at pag-ayaw rito. Tunay na ang tao ay isinakalikasan sa pagkakulang. Kung nasuklam siya sa maybahay sa isang kaasalang masagwa, makatatagpo naman siya rito ng isa pang kaasalang maganda kaya malulugod siya sa maganda na sinasang-ayunan niya at magtitiis sa hindi niya kinalulugdan sa masagwa, na magsasanhi sa kanya na magtiis dito at hindi masuklam sa isang pagkasuklam na magbubuyo sa kanya sa pakikipaghiwalay rito.فوائد الحديث
Ang pag-aanyaya sa mananampalataya tungo sa katarungan at pagpapahatol sa isip sa alinmang salungatang namumutawi sa maybahay niya at hindi pagdulog sa pagpapahatol sa emosyon at mga reaksiyong pansamantala.
Ang pumapatungkol sa lalaking mananampalataya ay na hindi siya mamuhi sa babaing mananampalataya sa isang pagkamuhing lahatan, na magbubuyo sa kanya sa pakikipaghiwalay rito; bagkus ang nararapat sa kanya ay na magbulag-bulagan sa kinasusuklaman niya dahil sa naiibigan niya.
Ang paghimok sa kagandahan ng pakikisalamuha at pakikisama sa mag-asawa.
Ang pananampalataya ay isang tagapag-anyaya ng mararangal sa mga kaasalan kaya hindi nawawalan ang lalaking mananampalataya at ang babaing mananampalataya ng isang magandang kaasalan sapagkat ang pananampalataya ay nag-oobliga ng pagkakaroon ng isang pinapupurihang katangian sa kanilang dalawa.