إعدادات العرض
sumaway laban sa pamamanata at nagsabi: "Tunay na ito ay hindi naghahatid ng isang kabutihan. Ipinangkukuha lamang ito mula sa maramot."}
sumaway laban sa pamamanata at nagsabi: "Tunay na ito ay hindi naghahatid ng isang kabutihan. Ipinangkukuha lamang ito mula sa maramot."}
Ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya ay sumaway laban sa pamamanata at nagsabi: "Tunay na ito ay hindi naghahatid ng isang kabutihan. Ipinangkukuha lamang ito mula sa maramot."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî മലയാളം Kiswahili සිංහල አማርኛ অসমীয়া ગુજરાતી Tiếng Việt دری Nederlands Soomaali नेपाली پښتو Svenska Oromoo ไทย Кыргызча Română తెలుగు Lietuvių Malagasy ಕನ್ನಡ Српски Yorùbá ქართული Mooreالشرح
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pamamanata. Ito ay ang pag-oobliga ng tao sa sarili niya ng isang bagay na hindi inobliga sa kanya ng Tagapagbatas. Nagsabi siya na ang pamamanata ay hindi nagpapauna ng isang bagay at hindi nagpapahuli nito. Ipinangkukuha lamang ito mula sa maramot na walang ginagawa kundi ang kailangan sa kanya at na ang pamamanata ay hindi naghahatid ng isang anuman, na hindi nangyaring naitakda na para sa kanya.فوائد الحديث
Hindi isinasabatas ang pamamanata subalit kapag namanata, kailangan sa kanya ang pagtupad dito kung ito ay hindi isang pagsuway.
Ang sanhi sa pagsaway ay "na ito ay hindi naghahatid ng isang kabutihan" dahil ito ay hindi nakapipigil mula sa pagtatadhana ni Allāh ng isang anuman at upang hindi magpalagay ang tagapanata na ang pagkatamo ng hiling niya ay dahilan sa panata. Si Allāh (napakataas Siya) ay Walang-pangangailangan doon.
Nagsabi si Al-Qurṭubīy: Ang pagsaway na ito ay pumapatungkol sa pagsasabi halimbawa ng: "Kung magpapagaling si Allāh ng maysakit ko, kailangan sa akin na magbigay ng kawanggawa na ganito." Ang punto ng pagkasuklam ay dahil nagpadepende siya sa nabanggit na paggawa ng pampalapit-loob [kay Allāh] sa pagtamo ng nabanggit na layon. Lumitaw na hindi nagresulta nito ang layon ng pagpapakalapit-loob kay Allāh dahil sa namutawi mula sa kanya; bagkus gumawa siya rito ng gawain ng pagtutumbas. Nagpapaliwanag siya nito na kung sakaling hindi gumaling ang maysakit niya, hindi siya magkakawanggawa dahil sa iniugnay niya sa paggaling nito. Ito ay kalagayan ng maramot sapagkat tunay na siya ay hindi nagpapalabas ng anuman mula sa yaman niya malibang may isang agarang kapalit na humihigit sa pinalabas niya kadalasan.
التصنيفات
Ang mga Panunumpa at ang mga Panata