Ang mga Panunumpa at ang mga Panata

Ang mga Panunumpa at ang mga Panata

2- {Pumunta ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama ng isang pulutong mula sa mga Ash`arīy upang humiling ako ng masasakyan ngunit nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, hindi ako makapagsasakay sa inyo; wala akong maipasasakay sa inyo." Pagkatapos nanatili kami hanggat niloob ni Allāh saka may dinalang mga kamelyo kaya nag-utos siyang magbigay sa amin ng tatlong kamelyo. Noong lumisan kami, nagsabi ang ilan sa amin sa iba: "Hindi nagpapala si Allāh sa atin. Pumunta tayo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang humiling tayo ng masasakyan ngunit sumumpa siya na hindi siya makapagsasakay sa atin ngunit nagpasakay siya sa atin." Nagsabi si Abū Mūsā: "Kaya pumunta kami sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumanggit kami sa kanya niyon." Nagsabi naman siya: "Hindi ako nagpasakay sa inyo; bagkus si Allāh ay nagpasakay sa inyo. @Tunay na ako, sumpa man kay Allāh , ay hindi sumusumpa ng isang sumpa saka makakikita ako ng higit na mainam kaysa roon malibang nagtatakip-sala ako sa sumpa ko at gumagawa ako ng siyang pinakamabuti."}