Ang paggigiit ng isa sa inyo sa sinumpaan niya kaugnay sa mag-anak niya ay higit na makasalanan para sa kanya sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, kaysa sa magbigay siya ng panakip-sala niya na isinatungkulin ni Allah sa kanya.

Ang paggigiit ng isa sa inyo sa sinumpaan niya kaugnay sa mag-anak niya ay higit na makasalanan para sa kanya sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, kaysa sa magbigay siya ng panakip-sala niya na isinatungkulin ni Allah sa kanya.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang paggigiit ng isa sa inyo sa sinumpaan niya nakaugnay sa mag-anak niya ay higit na makasalanan para sa kanya sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, kaysa sa magbigay siya ng panakip-sala niya na isinatungkulin ni Allah sa kanya."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth: Kapag nanumpa ang Muslim ng isang panunumpang nakasalalay sa mag-anak niya habang napipinsala sila dahil sa hindi niya pagsira sa sinumpaan niya at sa pagbawi niya naman niyon ay walang magiging pagsuway kay Allah, kamahal-mahalan Siya kapita-pitagan, pagkatapos siya ay nagpapatuloy at nagpupumilit sa pagtupad sa sinumpaan niya kaugnay sa mag-anak niya, ito ay "higit na makasalanan para sa kanya sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya." Nangangahulugan ito na higit na marami sa kasalanan at higit na mabigat sa paglabag para sa kanya. Ang "magbigay siya ng panakip-sala niya na isinatungkulin ni Allah sa kanya" ay nangangahulugang inoobligga siya na magtakip-sala sa sinumpaan niyang isinatungkulin ni Allah sa kanya. Huwag siyang magpatuloy at huwag magpumilit sa sinumpaan niya hanggat ang pagbawi niya sa sinumpaan niya ay wala namang pagsuway kay Allah, pagkataas-taas Niya, bagkus tunay na ang pagpapatuloy niya at ang pagpupumilit niya sa sinumpaan niya ay isang pagsuway at isang mabigat na kasalanan dahil sa taglay niyon na pamiminsala sa mag-anak niya. Gumawa nga si Allah para sa kanya sa usaping ito ng kaluwagan. Nasaad sa Ṣaḥīḥayn: “Kapag nanumpa ka ng isang panunumpa at nakita mo na ang iba pa rito ay higit na mabuti kaysa rito, gawin mo ang mabuti at magbayad-sala ka para sa sinumpaan mo.” Sharḥ Muslim ni An-Nawawīy 11/123, Fatḥ Al-Bārī 11/519, at Mirqāh Al-Mafātīḥ 6/2239.

التصنيفات

Ang mga Panunumpa