إعدادات العرض
Utusan ninyo siya na magsalita siya, magpalilim siya, maupo siya, at lubusin niya ang ayuno niya.
Utusan ninyo siya na magsalita siya, magpalilim siya, maupo siya, at lubusin niya ang ayuno niya.
Ayon kay Ibnu`Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Habang ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagtatalumpati walang anu-ano ay may isang lalaki na nakatayo kaya nagtanong siya tungkol doon at nagabi sila: Si Abu Israel ay namanata na tatayo sa ilalim ng araw, hindi uupo, hindi magpapalilim, hindi magsasalita, at mag-aayuno. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Utusan ninyo siya na magsalita siya, magpalilim siya, maupo siya, at lubusin niya ang ayuno niya."
[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Kurdîالشرح
Namanata ang kasamahang ito na titigil sa pagsasalita, pagkain, at pag-inom, at na tatayo sa ilalim ng araw at hindi magpapalilim. Ito ay may dulot na pagpaparusa sa sarili at pahirap rito. Ito ay panatang ipinagbabawal. Dahil dito, ipinagbawal sa kanya ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, iyon ngunit inutusan siyang lubusin ang pag-aayuno niya dahil ito ay isang pagsambang isinabatas. Alinsunod dito, ang sinumang namanata ng isang pagsambang isinabatas, naoobliga siya na gawin ito. Ang sinumang namanata ng isang isang pagsambang hindi isinabatas, tunay na siya ay hindi naoobligang gawin ito.التصنيفات
Ang mga Panata