Sinuman ang manumpa sa isang Panunumpa at nakita niya ang higit na kinalulugdan ni Allah,gawin niya ang higit na kinalulugdan ni Allah

Sinuman ang manumpa sa isang Panunumpa at nakita niya ang higit na kinalulugdan ni Allah,gawin niya ang higit na kinalulugdan ni Allah

Ayon kay Abū Tarif bin`Udayy bin Hatim, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu:(( Sinuman ang manumpa sa isang Panunumpa at nakita niya ang higit na kinalulugdan ni Allah,gawin niya ang higit na kinalulugdan ni Allah))

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Sa Hadith [ay tumutukoy]: Sinuman ang manumpa na iwanan ang isang bagay,o gawain nito,at nakita niya na ang pagsuway rito ay higit na mabuti kaysa pagpapatuloy sa pinanumpaan at higit na kalugod-lugod kay Allah,Iwan niya ang pinanumpaan niya at gawin niya ang higit na mabuti,dahil sa ito ay kaibig-ibig at mainam.At kung ang pinanumpaan niya ay kabilang sa nararapat na isagawa o iwan niya,tulad ng panunumpa niya na iiwan niya ang pagdarasal o tunay na iinum siya ng nakakahilo,nararapat sa kanya ang pagsuway rito at gawin niya ang mga bagay na higit na kinalulugdan [ni Allah] mula sa paggawa ng mga ipinag-uutos sa kanya at pag-iwan sa ipinagbabawal sa kanya.

التصنيفات

Ang mga Panunumpa at ang mga Panata