Ang sinumang humiling kay Allāh ng kamartiran nang tapat, magpapaabot sa kanya si Allāh sa mga katayuan ng mga martir., kahit pa namatay siya sa higaan niya

Ang sinumang humiling kay Allāh ng kamartiran nang tapat, magpapaabot sa kanya si Allāh sa mga katayuan ng mga martir., kahit pa namatay siya sa higaan niya

Ayon kay Sahl bin Ḥunayf (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang humiling kay Allāh ng kamartiran nang tapat, magpapaabot sa kanya si Allāh sa mga katayuan ng mga martir., kahit pa namatay siya sa higaan niya."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang humiling ng kamartiran at pagkapatay sa landas ni Allāh, habang siya ay tapat na nagpapakawagas sa layunin niyang iyon para kay Allāh (napakataas Siya), magbibigay sa kanya si Allāh ng mga antas ng kamartiran ayon sa tapat na layunin niya, kahit pa namatay siya sa higaan sa hindi pakikibaka.

فوائد الحديث

Ang katapatan ng layunin kasama ng paggawa ng nakakaya ay isang kadahilanan sa pag-abot sa pinapakay na pabuya at gantimpala, kahit pa hindi niya naisagawa ang gawaing hinihiling.

Ang pagpapaibig sa pakikibaka at ang paghiling ng kamartiran sa landas ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

Ang pagpaparangal ni Allāh sa Kalipunang ito [ng Islām] sapagkat Siya ay nagbibigay rito dahil sa kaunting gawa ng pinakamataas sa mga antas sa Paraiso.

التصنيفات

Ang mga Gawain ng mga Puso, Ang Kalamangan ng Jihād