{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumitindig siya [sa pagdarasal] sa gabi, ay nagsisipilyo ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.}

{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumitindig siya [sa pagdarasal] sa gabi, ay nagsisipilyo ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.}

Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumitindig siya [sa pagdarasal] sa gabi, ay nagsisipilyo ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay madalas na gumagamit ng siwāk at nag-uutos nito. Ito ay nabibigyang-diin sa ilan sa mga pagkakataon. Kabilang sa mga ito ang paggamit ng siwāk sa sandali ng pagbangon sa gabi yayamang siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagkukuskos ng ngipin at naglilinis ng bibig sa pamamagitan ng siwāk.

فوائد الحديث

Ang pagbibigay-diin sa pagkaisinasabatas ng paggamit ng siwāk matapos ng pagtulog sa gabi. Iyon ay dahil ang pagtulog ay tagahiling ng pag-iba ng amoy ng bibig at ang siwāk ay isang instrumentong pampaglilinis.

Ang pagbibigay-diin sa pagkaisinasabatas ng paggamit ng siwāk sa sandali ng bawat mabahong pag-iiba ng amoy ng bibig bilang pagbatay mula sa naunang kahulugan.

Ang pagkaisinasabatas ng kalinisan sa paraang pangkalahatan at na ito ay bahagi ng Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at bahagi ng mga matayog na etiketa.

Ang paggamit ng siwāk sa bibig sa kabuuan nito ay sumasaklaw sa mga ngipin, gilagid, at dila.

Ang siwāk ay isang patpat na pinuputol mula sa punong arāk o iba pa rito at ginagamit sa paglilinis ng bibig at mga ngipin. Nagpapabango ito ng bibig at nag-aalis ng mga mabahong amoy.

التصنيفات

Ang mga Sunnah ng Kadalisayan, Ang Patnubay Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – sa Pagpapakadalisay