إعدادات العرض
{Ako noon ay lalaking madhdhā'§ at ako noon ay nahihiya na magtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa katayuan ng anak niya kaya nag-utos ako kay Al-Miqdād bin Al-Aswad [na magtanong] saka nagtanong naman ito sa kanya kaya nagsabi siya: "Maghuhugas siya ng ari niya at…
{Ako noon ay lalaking madhdhā'§ at ako noon ay nahihiya na magtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa katayuan ng anak niya kaya nag-utos ako kay Al-Miqdād bin Al-Aswad [na magtanong] saka nagtanong naman ito sa kanya kaya nagsabi siya: "Maghuhugas siya ng ari niya at magsasagawa siya ng wuḍū'.}
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako noon ay lalaking madhdhā'§ at ako noon ay nahihiya na magtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa katayuan ng anak niya kaya nag-utos ako kay Al-Miqdād bin Al-Aswad [na magtanong] saka nagtanong naman ito sa kanya kaya nagsabi siya: "Maghuhugas siya ng ari niya at magsasagawa siya ng wuḍū'.} Batay kay Imām Al-Bukhārīy: {kaya nagsabi siya: "Magsagawa ka ng wuḍū' at maghugas ka ng ari mo."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Kiswahili සිංහල Svenska Čeština ગુજરાતી Yorùbá پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Kinyarwanda తెలుగు Lietuvių Română മലയാളം Nederlands Soomaali Српски Українська Deutsch ಕನ್ನಡ Wolof Moore Shqip ქართული Azərbaycan Magyar தமிழ் Македонски မြန်မာ አማርኛ Malagasy Oromoo ไทยالشرح
Nagpabatid si Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) na siya noon ay madalas labasan ng madhy. Ito ay isang puting malabnaw na malagkit na likidong lumalabas mula sa ari sa sandali ng pagnanasang seksuwal o bago ng pagtatalik. Hindi niya nalalaman kung papaano ang gagawin niya sa paglabas nito sapagkat nahiya siyang magtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil siya ay asawa ni Fāṭimah na anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya humiling siya kay Al-Miqdād bin Al-Aswad na magtanong sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) tungkol doon. Sumagot naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maghugas siya ng ari niya, pagkatapos magsagawa siya ng wuḍū'.فوائد الحديث
Ang kainaman ni Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) yayamang hindi pumigil sa kanya ang hiya sa pagwaksi sa pagtatanong sa pamamagitan ng isang tagapagpagitna.
Ang pagpayag sa paghiling ng paglilinaw sa paghiling ng fatwā.
Ang pagpayag sa pagpapabatid ng tao tungkol sa sarili niya hinggil sa ikinahihiya para sa kapakanan.
Ang karumihan ng madhy at ang pagkakinakailangan ng paghuhugas nito mula sa katawan at kasuutan.
Ang paglabas ng madhy ay kabilang sa mga tagasira ng wuḍū'.
Ang pagkakinakailangan ng paghugas ng penis at testicle dahil sa pagkakasaad nito sa iba pang ḥadīth.
التصنيفات
Ang Pag-aalis ng mga Karumihan