"Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-aayuno ba noon sa bawat buwan ng tatlong araw?" Nagsabi ito: "Oo."

"Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-aayuno ba noon sa bawat buwan ng tatlong araw?" Nagsabi ito: "Oo."

Ayon kay Mu`ādhah, siya ay nagtanong kay`Ā'ishah, malugod si Allāh dito: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-aayuno ba noon sa bawat buwan ng tatlong araw?" Nagsabi ito: "Oo." Kaya nagsabi ako: "Mula sa aling buwan siya nag-aayuno noon?" Nagsabi ito: "Hindi niya pinapansin noon mula sa aling buwan siya nag-aayuno."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ayon kay Mu`ādhah, siya ay nagtanong kay`Ā'ishah, malugod si Allāh dito: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-aayuno ba noon sa bawat buwan ng tatlong araw?" Nagsabi ito: "Oo." Nangangahulugang ito: Ito ang pinakakaunti sa pinaiikli niya noon. Ang "Kaya nagsabi ako: Mula sa aling buwan" ay bilang pag-iingat na baka maunawaang ang tanong ay tungkol sa mga araw ng linggo. Ang "siya nag-aayuno noon" ay nangangahulugang: Ang tatlong ito mula sa simula nito o kalagitnaan nito o wakas nito nang magkakasunod o magkakahiwalay. Ang "Hindi niya pinapansin noon" ay nangangahulugang hindi siya nagpapahalaga sa pagtatakda sa alin sa mga araw ng buwan: nag-aayuno siya nang walang pagtatakda dahil ang gantimpala ay natatamo sa alin man sa tatlo. Nag-aayuno siya noon ng mga ito ayon sa hinihiling ng pananaw niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Siya ay nahaharap noon sa pinagkakaabalahan niya sa halip na alalahanin pa iyon o ginagawa niya iyon upang linawin ang pagkapahintulot Lahat ng iyon kaugnay sa kanya ay higit na mainam. Tingnan: Mirqāh Al-Mafātīḥ 4/1416 at Dalīl Al-Fāliḥīn 7/71.

التصنيفات

Ang Pag-aayuno ng Pagkukusang-loob