إعدادات العرض
Katotohanang si Allah-kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan, ay nilikha Niya ang mga likha nito sa kadiliman,Kaya't nagbigay Siya sa kanila nang Liwanag Niya,at Sinuman ang magkamit ng liwanag na ito ay mapapatnubayan,at sinuman ang magpapa-mali nito ay maliligaw,kayat sasabihin ko; Natuyo ang…
Katotohanang si Allah-kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan, ay nilikha Niya ang mga likha nito sa kadiliman,Kaya't nagbigay Siya sa kanila nang Liwanag Niya,at Sinuman ang magkamit ng liwanag na ito ay mapapatnubayan,at sinuman ang magpapa-mali nito ay maliligaw,kayat sasabihin ko; Natuyo ang (tinta)ng lapis sa Karunungan ni Allah.
Ayon kay Abdullah bin A'mr-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi; (( Katotohanang si Allah-kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan, ay nilikha Niya ang mga likha nito sa kadiliman,Kaya't nagbigay Siya sa kanila nang Liwanag Niya,at Sinuman ang magkamit ng liwanag na ito ay mapapatnubayan,at sinuman ang magpapa-mali nito ay maliligaw)),kayat sasabihin ko; Natuyo ang (tinta)ng lapis sa Karunungan ni Allah.
[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausaالشرح
Ang Hadith na ito ay nagpapahayag, Na ang Allah-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan-ay nilikha ang likha sa kadiliman,at Ibinahagi Niya sa kanila ng ilan sa mga liwanag Niya,Sinuman ang magkamit ng ilan sa liwanag na ito ay mapapatnubayan sa landas ng Paraiso,at sinuman ang magpapa-mali sa liwanag na ito at pinalampas ito at hindi umabot sa kanya,ay maliligaw at lalabas sa landas ng katotohanan;Sapagkat ang Pagkapatnubay at Pagkaligaw ay darating na sumasang-ayon sa karunungan ni Allah,at ayon sa naihatol rito sa Walang-hanggan,Hindi na mababago at hindi na mapapalitan,at ang pag-katuyo ng tinta ng lapis ay inihahalintulad rito.