Huwag ninyong hadlangan ang isang taong magsasagawa ng tawaf sa Tahanang ito,at magdadasal ng kahit anong oras na kanyang ibigin sa gabi o araw

Huwag ninyong hadlangan ang isang taong magsasagawa ng tawaf sa Tahanang ito,at magdadasal ng kahit anong oras na kanyang ibigin sa gabi o araw

Ayon kay Jubayr bin Mut`im malugod si Allah sa kanya-hadith na marfu-(( Huwag ninyong hadlangan ang isang taong magsasagawa ng tawaf sa Tahanang ito,at magdadasal ng kahit anong oras na kanyang ibigin sa gabi o araw))

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]

الشرح

Ang pangangaral sa hadith na ito ay para sa sinumang namamahala sa kapakanan ng Haram [Meccah], at sila sa kapanahunan ng propeta mula sa angkan ni `Abdu Manaf,siya ay nagsabing: Wala sa inyo ang may karapatan sa paghadlang sa isa sa mga tao sa pagsasagawa ng Tawaf sa Meccah,o sa pagdarasal rito sa kahit anong oras na kanyang ibigin sa gabi o araw,At ang pagdarasal na [ipinapahiwatig rito ay ang dalawang tindig para sa pagsasagawa ng tawaf,at gayunding ito ay sumasaklaw sa lahat ng oras kabilang ang mga oras na ipinagbawal rito ang pagdarasal

التصنيفات

Ang mga Oras ng Pagbabawal sa Ṣalāh