Ang Pagdura sa Masjid ay kasalanan,at ang makakapag-tanggal [sa kasalanang ito] ay ang paglilibing rito

Ang Pagdura sa Masjid ay kasalanan,at ang makakapag-tanggal [sa kasalanang ito] ay ang paglilibing rito

Ayon kay Anas -malugod si Allah sa kanya-sinabi niya: Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Ang Pagdura sa Masjid ay kasalanan,at ang makakapag-tanggal [sa kasalanang ito] ay ang paglilibing rito))

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ang Dura-at sa isang salaysay: (ang laway)-sa kalupaan ng Masjid o sa dingding nito ay isang maling gawain at pagkakasalang, nararapat sa may gawa nito ang Kaparusahan mula kay Allah-Pagkataas-taas Niya,Hindi nararapat sa isang Muslim sa anumang kalagayan na magdura sa Masjid;sapagkat ito ay pag-lalapastangan sa Tahanan ni Allah - pagpaparumi at pagdungis rito,Datapuwat ang nararapat ay ang pangangalaga rito mula sa lahat ng mga [bagay na] makakapagparumi nito at makakapagdungis nito,Sapagkat ito ay kabilang sa pagdadakila sa mga Tanda ni Allah-Pagkataas-taas Niya: Nagsabi siya -Pagkataas-taas Niya: {Sa gayon,ang sinumang magparangal sa [mga ritwal ng Hajj] na ipinag-utos ni Allah,ito ay higit na mabuti sa kanya sa paningin ng kanyang Panginoon.} [Al-Hajj:30], Ngunit kapay siya ay nagdura sa damit niya o sa turban niya o sa panyo niya,siya ay hindi magkakasala,dahil sa kawalan ng kadahilanan.At ang Dura kapag ito ay nangyari dahil sa pagkakamali at hindi ito sinasadya,ito ay itinuturing na isang kamalian,pinapatawad sa kanya ang kasalanan,At hindi ibig sabihin na ,sasadyain niya ang pagdura sa Masjid pagkatapos ay isasagawa niya ang paglibing [pagpunas-pagtanggal] rito,Sapagkat ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ginawa niya sa karaniwang dura sa Masjid bilang isang pagkakamali lamang,At pinagtitibay ang pagtatantong ito;ayon sa naisalaysay ni Imam Al-Bukhariy [414] at Imam Muslim [548]: "Kung saan, siya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakakita ng dura sa dingding ng Masjid,naging mahirap ito sa kanya,kaya ginawa niyang punasan ito sa pamamagitan ng kamay niya" At sinuman ang nagdura sa Masjid nang wala sa kanyang layunin,At ninais niya na na patawarin sa kanya ni Allah ang mga kasalanan niyang ito,Magmadali siya sa pagtanggal nito sa Masjid sa pamamagitan ng Paglibing niya kung ang Masjid ay gawa sa graba.Ngunit kung ang Masjid ay may karpet,tunay na ang pagtatanggal [sa kasalanan niya] ay sa pagpunas nito hanggang sa tuluyang matanggal.Ngunit kapag ito ay nanatili,ito ay magiging kasalanan,mapaparusahan siya sa anumang natitira nito.At tunay na naisalaysay ayon kay Abe Zarr-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Tunay na kanyang sinabi: (Ipinakita sa akin ang mga Gawain ng aking Ummah,ang mga mabubuti nito at masasama nito,Natagpuan ko sa mga mabubuting gawain nito ,na ang nakakapinsala ay tinatanggal sa daan.at natagpuan ko sa mga masasamang gawain nito;Na ang dura,na nasa Masjid at hindi inilibing [o tinanggal]. Isinaysay ito ni Imam Muslim