Nakita ko ang Sugo ng Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagdadasal ng naka-parisukat.

Nakita ko ang Sugo ng Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagdadasal ng naka-parisukat.

Ayon kay `Ā’ishah -kalugdan nawa siya ng Allah- ay nagsabi: Nakita ko ang Sugo ng Allah -pagpalain siya ng Allah at panglagaan- ay nagdadasal ng naka-parisukat.

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy]

الشرح

Ang Attarabbu' (pagkahugis-parisukat): ay ilalagay niya ang ilalim ng kanang paa niya sa ibaba ng kaliwang hita, at ang ilalim ng kaliwang paa niya sa ibaba ng kanang hita, at umupo siya sa kanyang inuupuan, at nagawa ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ito noong nahulog siya mula sa kanyang kabayo, at nalasog ang kanyang paa. Kaya kapag nahirapan ang magsasalah sa obligadong dasal (salah) mula sa pagtayo ay magsalah siya ng nakaupo nasa anyong parisukat at siya ay kanais-nais, at ito ay sa kalagayan ng kanyang pag-upo na katumbas ng pagtayo, subalit sa kalagayan ng kanyang pag-upo sa pagitan ng dalawang pag-upo at kanyang pag-upo sa dalawang Tashahhud, ay kanais-nais sa kanya na umupo siya na naka Iftirash (nakalatag sa lupa o sahig) sa unang Tashahhud, at naka Tawarruk (nakatukod ang kanang paa, nakalagay ang kaliwang paa sa ilalim ng kanang paa sa ilalim ng kanang binti, at nakadiit sa lapag ang kanang pigi) sa pangalawang Tashahhud. At lahat ng mga katangiang ito ay napapabilang sa Istihbab (kanais-nais) at Afdaliyah (kainaman), kaya kapag nalabag niya o nakaupo siya na hindi ayon sa mga katangiang naunang nabanggit ay mabibilang pa rin sa kanya; sa pagkat ang kailangan ay: ang pag-upo sa Tashahhud at ang mga katangiang ito ay bilang karagdagan lamang sa mga Wajib (obligadong gawain sa salah).

التصنيفات

Ang Ṣalāh ng mga May Kadahilanan