إعدادات العرض
Ayon kay Rabi`ah bin `Abdullah bin Al-Hudayr Attaymie;Na si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-Ay nagbasa sa Araw ng Biyernes sa Entablado nang Kabanata An-Nahl hanggang sa dumating siya sa pagpapatirapa,bumaba siya, nagpatirapa,at Nagpatirapa ang mga Tao,Hanggang sa nang dumating ang…
Ayon kay Rabi`ah bin `Abdullah bin Al-Hudayr Attaymie;Na si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-Ay nagbasa sa Araw ng Biyernes sa Entablado nang Kabanata An-Nahl hanggang sa dumating siya sa pagpapatirapa,bumaba siya, nagpatirapa,at Nagpatirapa ang mga Tao,Hanggang sa nang dumating ang Araw ng Biyernes na sumunod,ay nagbasa siya rito hanggang sa dumating naman siya sa pagpapatirapa;Nagsabi siya:(( O mga Tao;dadaan tayo sa (talata na may pagpapatirapa,sinuman ang magpatirapa ay tunay na nagtama,at sinuman ang hindi magpatirapa,ay walang kaparusahan sa kanya,at hindi nagpatirapa si `Umar-malugod si Allah sa kanya)) At sa isang salaysay: (( Katotohanan si Allah ay hindi nag-oobliga sa pagpatirapa maliban sa naisin natin)) Saheh Al-Bukharie
Ayon kay Rabi`ah bin `Abdullah bin Al-Hudayr Attaymie;Na si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-Ay nagbasa sa Araw ng Biyernes sa Entablado nang Kabanata An-Nahl hanggang sa dumating siya sa pagpapatirapa,bumaba siya, nagpatirapa,at Nagpatirapa ang mga Tao,Hanggang sa nang dumating ang Araw ng Biyernes na sumunod,ay nagbasa siya rito hanggang sa dumating naman siya sa pagpapatirapa;Nagsabi siya:(( O mga Tao;dadaan tayo sa (talata na may pagpapatirapa,sinuman ang magpatirapa ay tunay na nagtama,at sinuman ang hindi magpatirapa,ay walang kaparusahan sa kanya,at hindi nagpatirapa si `Umar-malugod si Allah sa kanya)) At sa isang salaysay: (( Katotohanan si Allah ay hindi nag-oobliga sa pagpatirapa maliban sa naisin natin))
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو हिन्दी 中文 ئۇيغۇرچەالشرح
Ang kahulugan ng Hadith;"Na si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-ay nagbasa sa araw ng Biyernes sa Entablado ng Kabanata ng An-Nahl hanggang sa dumating siya sa Pagpapatirap"Sa pagsabi NIya-Pagkataas-taas Niya: [ At kay Allah ay nagpapatirapa ang lahat ng anumang nasa kalangitan at kalupaan,ang lahat ng mga buhay na gumagalaw na nilikha at ang mga Anghel,at sila ay hindi nagmamalaki,Pinangangambahan nila ang kanilang Panginoon na nasa itaas at sila ay tumatalima sa anumang sa kanial ay ipag-uutos}[An-Nahl;49,50] " Bumaba siya,nagpatirapa,at nagpatirapa ang mga Tao" Bumaba siya mula sa Entablado at nagpatirapa siya sa lupa at nagpatirapa kasama ang mga Tao."Hanggang sa nang dumating ang Araw ng Biyernes na sumunod,ay nagbasa siya rito" ibig sabihin ay sa Kabanata ng An-Nahl " Hanggang sa dumating sa pagpatirapa",ibig sabihin ay Hanggang sa dumating siya sa talata na mayroong pagpapatirapa at naghanda na ang mga Tao sa pagpapatirapa, ay hindi siya nagpatirapa-malaugod si Allah sa kanya-,at pinigilan niya sila sa pagpatirapa,tulad ng naisalysay sa Aklat na Muwatta;"Naghanda na ang mga Tao sa pagpapatirapa nagsabi siya,magdahan-dahan kayo,Katotohanan si Allah ay hindi nag-obliga sa atin rito,maliban kung naisin natin,Hindi siya nagpatirapa at pinigilan niya sila sa pagpatirapa.Pagkatapos ay sinabi; malugod si Allah sa kanya-"O mga Tao;dadaan tayo sa (talata na may pagpapatirapa,sinuman ang magpatirapa ay tunay na nagtama,at sinuman ang hindi magpatirapa,ay walang kaparusahan sa kanya" Ang kahulugan: Daraan tayo sa talata ng may pagpatirapa,sinuman ang magpatirapa rito ay nagtama sa Sunnah at sinuman ang hindi magpatirapa ay walang kaparusahan sa kanya. "At hindi nagpatirapa si `Umar malugod si Allah sa kanya-" Upang ipahayag na ang pagpapatirapa sa pagbabasa ay hindi Obligado",At sa isang salaysay:(( Katotohanang si Allah ay hindi nag=obliga sa pagpatirapa maliban sa magnanais))" Ibig sabihin ay: Hindi Niya ito inobliga sa atin, maliban sa naisin natin ang pagpapatirapa,ay magpatirapa tayo,at kung hindi natin ito ninais ay hindi tayo magpapatirapa,At sa isang salaysay:" O Mga Tao,Tayo ay hidni ipinag-utos sa atin ang pagpatirapa" At ang mangyayari: Na ang salitang ito ay nagmula sa pinuno ng mga mananampalataya,sinabi niya ito sa Sermon ng Jumuah;Sa harapan ng lahat ng kasamahan ng Propeta,at walang nagtanggi kahit na isa sa kanila,nagpapatunay na walang pagsasalungat,kaya`t sa oras na iyon,ang salita ng kasamahan ng Propeta ay Pinanghahawakan (Patunay),Lalo na ang Khalifah na nagpapatnubay,na kung saan ay una sa pagsunod ng Sunnah,at sa harapan ng lahat ng mga kasamahan ng Propeta,ito ay magiging Ijma.