Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagdadasal ng dalawang tindig na magaan pagkatapos ng pagsikat ng Bukang-liwayway

Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagdadasal ng dalawang tindig na magaan pagkatapos ng pagsikat ng Bukang-liwayway

Ayon kay Hafsah, malugod si Allah sa kanya.((Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagdadasal ng dalawang tindig na magaan pagkatapos ng pagsikat ng Bukang-liwayway)) at sa isang salaysay: Bago iganap ang pagtindig sa dasal

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ipinapaalam ni `Aishah malugod si Allah sa kanya sa Hadith na ito ang tungkol sa kalagayan niya-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na siya ay nagdadasal ng dalawang tindig at ito ay [kabilang sa mga Sunnah na Rawatib] sa Fajr,at hindi na nagdadagdag pa sa dalawang [ tindig na ito] Ito ay batay sa naiulat ni Imam Muslim sa Hadith ni Hafsah-malugod si Allah sa kanya-na siya ay nagsabi:((Kapag sumikat ang Bukang liwayway,Hindi siya nagdadasal maliban sa dalawang tindig na magaan)) At ang pagsabi niya sa Hadith na "Magaan" Nangangahulugang pinapagaan niya ang Pagtindig at pagyuko at pagpapatirapa,at sa tindi ng pagpapagaan niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinasabi ni `Aishah-malugod si Allah sa kanya-tulad nag naisalaysay sa Hadith ni Imam Al-Bukhari: " Nabasa ba niya ang Ina ng Aklat [ Al-Fatihah]?" at sa isang salaysay sa Muwatta`:"Katotohanan na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pinapagaan ag dalawang tindig sa Fajr Hanggang sa ako ay nakapagsabi:Nabasa ba niya ang Ina ng Aklat [ Al-Fatihah] o hindi? At hindi ito nangangahulugan na siya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagmamadali sa dalawang [ tindig na ito] kaya`t at hindi niya sinusunod ang mga haligi [ng dasal] nito,Ngunit ang tumpak na kahuligan nito: Na siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpapagaan sa dalawang[ tindig] na ito,kumpara sa mga natitirang kusang loob na dasal,na kung saan ay pinapanatili na niya ang pagpapahaba rito." Pagkatapos ng pagsikat ng Bukang-liwayway" ibig sabihin ay:Kapag sumikat ang Bukang-liwayway,Nagmamadali siya sa dalawang tindig na ito "Bago itindig ang dasal" at ito ay nangangahulugan: Na ang oras ng dalawang tindig sa Bukang-liwayway ay mula sa oras ng pagsikat ng Bukang-liwayway hanggang sa dasal na Subh.

التصنيفات

Ang mga Sunnah Rātibah