إعدادات العرض
Tinanong ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa [kaparusahan ng] babaing alipin,kapag siya ay nangalunya at walang asawa?
Tinanong ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa [kaparusahan ng] babaing alipin,kapag siya ay nangalunya at walang asawa?
Ayon kay Abē Hurayrah -malugod si Allah sa kanya-at Zaid bin Khālid Al-Juhanīy- malugod si Allah sa kanya-Tunay na tinanong ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa [kaparusahan ng] babaing alipin,kapag siya ay nangalunya at walang asawa? Nagsabi siya: ((Kapag siya ay nangalunya,hagupitin ninyo siya,Pagkatapos, kung siya ay nangalunya [ulit],hahagupitin ninyo siya,Pagkatapos, kung siya ay nangalunya [ulit],hahagupitin ninyo siya,pagkatapos ay ibinta ninyo kahit sa halaga ng murang lubid)) Nagsabi si Ibn Shihab : (( At hindi ko na alam ,kung ano ang pagkatapos ng ikaapat o ikalima))
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Português മലയാളംالشرح
Tinanong ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa kaparusahan ng babaing alipin kapag siya ay nangalunya at wala siyang asawa;Ibig sabihin ay hindi nakasal;Ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na sa kanya ay nararapat ang [ang kaparusahang] hagupit,At ang paghagupit sa kanya ay kalahati sa hagupit ng malayang [babae] mula sa kanyang kaparusahan. At ito ay magiging limampong hagupit;Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya; {At kung sila ay punakasalan na,at nagkasala ng kahalayan,ang kanilang kaparusahan ay kalahati ng [kaparusahan] ng isang malayang babae},Pagkatapos kapag siya ay nangalunya sa ikalawang beses;Hahagupitin din siya ulit nang limampong beses,marahil ay upang mapipigilan na siya sa kanyang pangangalunya.At kapag nangalunya siya sa ikatlong beses at hindi siya napigilan ng pagpaparusa,at hindi rin siya nagbalik-loob sa Allah-Pagkataas-taas Niya-at pinangangambahan na ang [paglaganap] ng kahihiyan sa mga oras na ito,ipataw ninyo sa kanya ang kaparusahan ng hagupit at ibinta ninyo ito.kahit sa kaunting halaga,at ito ang [halaga ng] ng murang lubid,Sapagkat walang maidudulot na kabutihan sa pananatili niya, At ang paglayo sa kanya ay higit na mainam mula sa pagiging malapit niya,upang hindi maging sanhi ng kasamaan sa bahay kung saan ka naninirahan.التصنيفات
Ang Takdang Parusa sa Pangangalunya