Ang paglabas sa umaga tungo sa landas ni Allah,o sa hapon: ay higit na mainam mula sa pagsikat ng araw at paglubog nito

Ang paglabas sa umaga tungo sa landas ni Allah,o sa hapon: ay higit na mainam mula sa pagsikat ng araw at paglubog nito

Ayon kay Abū Ayyūb Al-Ansārī, malugod si Allah sa kanya.-Hadith na Marfu:((Ang paglabas sa umaga tungo sa landas ni Allah,o sa hapon: ay higit na mainam mula sa pagsikat ng araw at paglubog nito)) Ayon kay Anas-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Ang paglabas sa umaga tungo sa landas ni Allah,o sa hapon;ay higit na mainam mula sa mundo at sa nilalaman nito))

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang dalawang Hadith na ito ay nagpapahayag ng kainaman sa pakikibaka sa landas ni Allah,kahit na sa kaunting panahon sa umaga o sa hapon,Papaano pa kaya kung sa maraming bagay kung saan ay may pagtitiis sa mga kalaba at pakikipag-away sa kanila,Ito ang pangunahing tinutukoy sa [tinatawag na] landas ni Allah,ang pakikibaka gamit ang kamay sa mga kalaban.At dapat na mapag-alaman na ang paghahanap sa kaalaman sa Islam ay isang uri ng dakilang pakikibaka sa landas ni Allah,at ang tagumpay ay para sa Katotohanan,at pagpapasinungaling sa argyumento ng mga Zanadiqah at Atyesta,at sa mga taong nakatira sa Kanluran,Ang mga misyonaryong nakikipag-away sa Islam,at gusto nilang mawala ito,Ito ang pinakadakilang uri ng pakikibaka sa landas ni Allah;At ang layunin sa Pakikibaka;ay ang pangingibabaw ng Islam at pagtagumpay nito,Kaya`t ang pagpigil sa kanila,Ay itinuturing na kabilang sa napakalaki at napakadakilang pakikibaka [sa landas ni Allah],O Allah,naway gabayan Mo ang mga Muslim sa pagtagumpay ng kanilang relihiyon,at pangingibabaw ng Iyong mga Salita,Tunay na Ikaw ay Napakalapit ,Ang Tumutugon [sa mga kahilingan].

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Jihād