Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Meccah mula sa Taas [ng Meccah] sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa itaas kung saan ay matatagpuan sa Batha [malawak na lupain sa Meccah],at lumabas siya sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa ibaba

Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Meccah mula sa Taas [ng Meccah] sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa itaas kung saan ay matatagpuan sa Batha [malawak na lupain sa Meccah],at lumabas siya sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa ibaba

Ayon kay `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa- (( Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Meccah mula sa Taas [ng Meccah] sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa itaas kung saan ay matatagpuan sa Batha [malawak na lupain sa Meccah],at lumabas siya sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa ibaba.))

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Nagsagawa ng Hajj ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng Hajj ng Pamamaalam. Nagpalipas siya ng magdamag sa gabi ng pagpasok niya sa Dhi Tuwa sa ikaapat ng Dhulhijjah. Kinaumagahan, pumasok siya sa Makkah mula sa Thaniyah `Ulya' dahil ito higit na madali para pagpasok niya dahil siya ay dumating mula sa Madinah. Noong natapos siya sa mga pagsamba niya, lumabas siya ng Makkah patungong Madinah mula sa pinakamababang bahagi ng Makkah. Ito ay ang daang humahantong sa Jarul. Marahil sa pagsalungat sa dalawang daan ay may pagpaparami ng mga pook ng pagsamba, gaya ng ginawa niya,-pagpalain siya ni Allah at pangalagaaan-, sa pagpunta sa `Arafah at pagbalik mula roon, at para sa salah sa eid at salah na sunnah sa hindi lugar ng salah na isinatungkulin, upang sumakasi ang lupa sa gawain niya sa ibabaw nito sa Araw na magsasalaysay ito ng mga balita nito o dahil sa ang pasukan nito at ang labasan nito ay mga naaangkop para sinumang dumating mula sa Madinah at pumunta roon. Si Allah ay higit na nakakaalam.

التصنيفات

Ang mga Patakaran at ang mga Usapin sa Ḥajj at `Umrah, Ang Paglalakbay Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan