إعدادات العرض
1- Nang dumating ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya sa Meccah;Nagsabi ang mga walang pananampalataya;Tunay na darating sa into ang mga grupo na mga Taong pinahina sila ng mga Tagapag-tanggol sa Yathrīb. Ipinag-utos sa kanila ng Propeta na magmadali sa (paglalakad) pag-ikot ng tatlo,at ang lumakad sila ng (dahan-dahan) sa pagitan ng dalawang haligi
2- Dumating siya sa itim na bato,at sinabi niyang: Tunay na alam kong ikaw ay isang bato,hindi nakakapinsala at hindi [nakakapag-bigay] pakinabang,Kung hindi lang dahil nakita ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na hinahalikan ka niya,Hindi kita hahalikan
3- Nagsagawa ng Tawaf ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hajj na pamamaalam,[na nakasakay] sa kamelyo,Hinahawakan nito ang Haligi [ng Ka`bah] sa pamamagitan ng tungkod [na may baluktot sa ulo nito]
4- Hindi ko nakita ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na humawak sa [haligi ng] Tahanan [ni Allah],maliban sa dalawang Haligi ng Yamani
5- Na siya ay naglakbay ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw ng Arafah,Narinig ng Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa likod niya ang malakas na sigaw at pagpalo,at boses ng kamelyo,Nagbigay siya ng senyales sa pamamagitan ng tungkod nito sa kanila,at nagsabi siya: (( O mga tao; Nararapat sa inyo ang pagdahan-dahan,sapagkat ang pananampalataya ay hindi sa pagmamadali))
6- Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at dumating sa Minā,Pumunta siya sa Jamrah at bumato siya rito,pagkatapos ay dumating siya sa bahay niya sa Minā at naghandog ng Sakripisyo,pagkatapos ay sinabi niya sa barbero:((Kunin mo)) at itinuro niya ang tagiliran niya sa bandang kanan,pagkatapos ay sa kaliwa,pagkatapos ay ipinamigay niya ito sa mga tao
7- Pumunta ang Sugo ni Allah, (s), at ang mga Kasamahan niya sa umaga ng ikaapat [ng Dhulḥijjah] at nag-utos siya sa kanila na gawin nila itong isang `umarah kaya nagsabi sila: 'O Sugo ni Allah, alin pong [antas ng] pagkalas?' Nagsabi siya: 'Ang pagkalas ay kabuuan nito.'
8- Limang uri ng hayop,lahat sila ay nakakapinsala,[ipinapahintulot] ang pagapatay sa kanila sa loob ng Haram [Meccah]: Ang uwak,agila,alakdan,daga,at ang mabangis na agila
9- Nagsagawa ng ḥajj para sa akin kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa Ḥajj ng Pamamaalam samantalang ako ay pitong taong gulang.
10- Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsagawa ng ḥajj sakay ng sasakyang kamelyo at ito ay tagapasan niya.
11- Ang `Ukāđ, ang Mijannah, at ang Dhulmajāz ay mga palengke noong Panahon ng Kamangmangan. Nangamba silang magkasala sa pangangalakal sa mga panahon [ng ḥajj] kaya bumaba [ang talata]: Hindi kasalanan para sa inyo na maghanap kayo ng kagandahang-loob mula sa Panginoon ninyo. (Qur'an 2:198)
12- Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Meccah mula sa Taas [ng Meccah] sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa itaas kung saan ay matatagpuan sa Batha [malawak na lupain sa Meccah],at lumabas siya sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa ibaba
13- Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay lumalabas mula sa daan na may mga punong-kahoy,at pumapasok mula sa daan na [Al-Muarras],At kapag pumasok sa Meccah,pumapasok siya sa daan na mataas,at lumalabas sa daan na mababa
14- Naibaba ang talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at Hajj na pinahihiwalay]-ibig sabihin ay: Mut`ah sa Hajj-At ipinag-utos sa amin ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Pagkatapos ay hindi na naibaba ang talata na nagpapawalang-bisa sa talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at Hajj na pinahihiwalay] At hindi rin ito ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan hanggang sa siya ay namatay
15- Tinanong ko si Ibnu `Abbas tungkol sa [hajj] tammattu` at ipinag-utos niya sa akin na isagawa iyon. Tinanong ko siya tungkol sa hady at sinabi niya: Mayroon itong kamelyo, o baka, o tupa, o kahati sa alay. Nagsabi siya: Ang mga tao noon ay nasusuklam dito
16- Kung papaano ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-naghuhugas ng kanyang ulo habang siya ay nasa kalagayan ng Ihram? Inilgay ni Abu Ayyub ang kamay niya sa kanyang damit,iniyuko niya ito,hanggang sa maaging hayag sa akin ang ulo nito,Pagkatapos ay sinabi niya sa taong nagbubuhos sa kanya ng tubig;Buhusan mo,Kaya binuhusan siya sa ulo niya,pagkatapos ay linalikut nito ang ulo niya sa mga kamay niya,iginalaw niya ito paharap at salubong,Pagkatapos ay nagsabi siyang: Ganyan ko siya nakita-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naliligo