Naibaba ang talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at Hajj na pinahihiwalay]-ibig sabihin ay: Mut`ah sa Hajj-At ipinag-utos sa amin ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Pagkatapos ay hindi na naibaba ang talata na nagpapawalang-bisa sa talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at…

Naibaba ang talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at Hajj na pinahihiwalay]-ibig sabihin ay: Mut`ah sa Hajj-At ipinag-utos sa amin ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Pagkatapos ay hindi na naibaba ang talata na nagpapawalang-bisa sa talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at Hajj na pinahihiwalay] At hindi rin ito ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan hanggang sa siya ay namatay

Ayon kay `Emran bin Husayn-malugod si Allah sa kanilang dalawa- Nagsabi siya: ((Ibinaba ang talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at Hajj na pinahihiwalay]sa Aklat ni Allah Pagkataas-taas Niya-at isinagawa namin ito kasama ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-;At wala nang naibabang [talata] sa Qur-an na nagbabawal rito,at hindi rin niya ito ipinagbawal hanggang sa siya ay mamatay,Nagsabi ang isang lalaki sa opinyon niya,anuman ang naisin niya)) Nagsabi si Imam Al-Bukhari;( sinasabi na ito si `Umar)) At sa isang salaysay:((Naibaba ang talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at Hajj na pinahihiwalay]-ibig sabihin ay: Mut`ah sa Hajj-At ipinag-utos sa amin ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Pagkatapos ay hindi na naibaba ang talata na nagpapawalang-bisa sa talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at Hajj na pinahihiwalay] At hindi rin ito ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan hanggang sa siya ay namatay)) at sa dalawang ito ay may parehong kahulugan

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nabanggit ni `Imraan bin Husain-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Ang Mut`ah sa pagsasagawa ng `Umrah sa Hajj,Nagsabi siya:Katotohanang ito ay ipinahintulot sa Aklat ni Allah at sa Sunnah ng Sugo niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At ang sa Aklat,Sinabi niya na: {Sinuman ang magsagawa ng [Hajj at Tamattu bilang pagpapatuloy sa ] ng `Umrah hanggang Hajj,siya ay nararapat na mag-alay ng Hady ayon sa kanyang kakayahan} At ang sa Sunnah: Ang gawain ng Propeta pagapalain siya ni Allah at pangalagaan-rito,at ang Pagsang-ayon niya rito,at walang naipahayag sa Qur-an na [nagpapatunay na] nagbabawal rito,at hindi rin ito ipinagbawal ng Sugo niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-hanggang sa namatay na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ito ay nanatili paring hindi napawalang-bisa pagkaraan nito,Kaya`t papaano masasabi ng isang lalaki ang sarili nitong opinyon at ipapatigil niya ito?Ipinapahiwatig nito ang pagpapatigil ni `umar bin Al-Khattab malugod si Allah sa kanya-sa Buwan ng Hajj-mula sa pagsisikap niya upang dumami ang bumibisita sa Bahay ng Allah sa buong taon;Sapagkat kapag dumating sila rito na may kasamang Hajj,hindi na sila babalik rito sa hindi panahon ng Hajj,At hindi ibig sabihin ng pagpapatigil ni `Umar rito-malugod si Allah sa kanya-ay Pagbabawal o Pag-iwan sa gawain sa Qur-an at Sunnah,datapuwat ito ay pansamantalang pagpipigil para sa kabutihan ng Pangkalahatan,

التصنيفات

Ang mga Patakaran at ang mga Usapin sa Ḥajj at `Umrah