Pumunta ang Sugo ni Allah, (s), at ang mga Kasamahan niya sa umaga ng ikaapat [ng Dhulḥijjah] at nag-utos siya sa kanila na gawin nila itong isang `umarah kaya nagsabi sila: 'O Sugo ni Allah, alin pong [antas ng] pagkalas?' Nagsabi siya: 'Ang pagkalas ay kabuuan nito.'

Pumunta ang Sugo ni Allah, (s), at ang mga Kasamahan niya sa umaga ng ikaapat [ng Dhulḥijjah] at nag-utos siya sa kanila na gawin nila itong isang `umarah kaya nagsabi sila: 'O Sugo ni Allah, alin pong [antas ng] pagkalas?' Nagsabi siya: 'Ang pagkalas ay kabuuan nito.'

Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Pumunta ang Sugo ni Allah, (s), at ang mga Kasamahan niya sa umaga ng ikaapat [ng Dhulḥijjah] at nag-utos siya sa kanila na gawin nila itong isang `umarah kaya nagsabi sila: 'O Sugo ni Allah, alin pong [antas ng] pagkalas?' Nagsabi siya: 'Ang pagkalas ay kabuuan nito.'"

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinababatid ni Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na ang Propeta, (s), at ang mga Kasamahan niya ay pumunta sa Makkah sa Ḥajj ng Pamamaalam sa umaga ng ikaapat ng Dhulḥijjah. Ang iba sa kanila ay nagsagawa ng iḥrām at kabilang sa kanila ang mga nag-uugnay ng ḥajj at `umrah. Nag-utos siya sa sinumang hindi nagdala ng alay kabilang sa dalawang pangkat na ito na kumalas mula sa ḥajj nila at gawin nila ang iḥrām nila bilang isang `umrah. Bumigat sa loob nila iyon at itinuring nilang mahirap na kumalas nang buong pagkalas na nagpapahintulot sa pakikipagtalik, pagkatapos ay magsasagawa ng iḥrām para sa ḥajj. Dahil dito, nagtanong sila sa kanya at nagsabi: "O Sugo ni Allah, alin pong pagkalas? Ano po ang pagkalas na gagawin namin?" Nagsabi siya, (s): "Ang pagkalas ay kabuuan nito kaya ipahihintulot sa inyo ang ipinagbawal sa inyo bago ang iḥrām." Kaya sumunod sila sa kanya, malugod si Allah sa kanila.

التصنيفات

Ang mga Uri ng Rituwal, Ang mga Patakaran at ang mga Usapin sa Ḥajj at `Umrah