إعدادات العرض
Katotohanan ang Araw at Buwan ay palatandaan mula sa mga tanda ni Allah,Sinisindak ni Allah ang alipin niya sa pamamagitan nito,At hindi dahil sa sila ay hindi nagtatagpo dahil sa pagkamatay ng isang tao, Kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito, Mag-alay kayo ng dasal; At manalangin kayo hanggang sa…
Katotohanan ang Araw at Buwan ay palatandaan mula sa mga tanda ni Allah,Sinisindak ni Allah ang alipin niya sa pamamagitan nito,At hindi dahil sa sila ay hindi nagtatagpo dahil sa pagkamatay ng isang tao, Kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito, Mag-alay kayo ng dasal; At manalangin kayo hanggang sa matanggal ang anumang dumatal sa inyo))
Ayon kay Abē Mas'ūd 'Uqbah bin 'Amr Al-Ansārī Al-Badrī-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfū-(( Katotohanan ang Araw at Buwan ay palatandaan mula sa mga tanda ni Allah,Sinisindak ni Allah ang alipin niya sa pamamagitan nito,At hindi dahil sa sila ay hindi nagtatagpo dahil sa pagkamatay ng isang tao, Kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito, Mag-alay kayo ng dasal; At manalangin kayo hanggang sa matanggal ang anumang dumatal sa inyo))
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Portuguêsالشرح
Ipinapahayag niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang Araw at Buwan ay kabilang sa palatandaan ni Allah na nagpapatunay sa Kakayahan Niya at Karunungan Niya,At ang pag-iiba ng sistema nitong naka-ugalian ay hindi dahil sa pagkabuhay ng dakilang tao o pagkamatay nila tulad ng pinaniniwalaan ng mga Tao sa panahon ng kamang-mangan, Hindi naapektuhan dito ang mga pangyayari sa Mundo,Ngunit ito ay upang sindakin ang mga alipin,Dahil sa kanilang mga kasalanan at kaparusahan,Nang sa gayun ay baguhin nila ang pagbabalik-loob nila at pagsisi ,kay Allah Pagkataas-taas Niya.Kung-kaya't nagpatnubay siya sa kanila sa pag-alay ng dasal at pananalangin,hanggang sa matanggal ito sa kanila at maging maliwanag,At [Nasasakupan ni] Allah-sa Daigdig Niya-ang mga lingid at pamamahala.