إعدادات العرض
1- Tunay na ang Araw ay naglaho sa panahon ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagpadala siya ng Mananawag na magtatawag ng dasal sa pangkalahatan,Nagtipon-tipon sila at nanguna siya,at Nagdakila [sa Allah] at nagdasal sa apat na tindig ng dalawang tindig at apat na pagpapatirapa
2- Tunay na ang Araw at ang Buwan ay dalawang palatandaan mula sa tanda ni Allah,Hindi sila nagtitiklop [nawawala ang kanilang liwanag] dahil sa pagkamatay ng isang tao at hindi sa pagkabuhay nito,Kapag nakita ninyo ito,Manalangin kayo kay Allah at mag-alay kayo ng Pagdadakila;Magdasal kayo at Magkawanggawa kayo.
3- Nag-eklips ang araw noong panahon ng sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya`t napatayo siya na nasisindak,natakot siya na dumating na ang huling sandali,hanggang sa dumating siya sa masjid at tumayo siya,nagdasal ng may pinakamahabang pagtayo at pagpapatirapa,na hindi ko nakita sa dasal niya kailanman,pagkatapos ay nagsabi siya:Tunay na ang mga tanda na ito na ipinadadala ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan,ay hindi dahil sa kamatayan ng isang tao o dahil sa pagkabuhay niya,bagkus ipinadadala ni Allah ang mga ito upang gisingin ang takot sa pamamagitan nito ng mga lingkod niya,kaya`t kapag nakakita kayo mula rito ng anuman,magmadali kayo sa pag-alala kay Allah,pagdalangin sa kanya at paghingi ng tawad sa kanya.
4- Katotohanan ang Araw at Buwan ay palatandaan mula sa mga tanda ni Allah,Sinisindak ni Allah ang alipin niya sa pamamagitan nito,At hindi dahil sa sila ay hindi nagtatagpo dahil sa pagkamatay ng isang tao, Kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito, Mag-alay kayo ng dasal; At manalangin kayo hanggang sa matanggal ang anumang dumatal sa inyo))