إعدادات العرض
Wala ng paghihinagpis sa iyong Ama mula sa araw na ito
Wala ng paghihinagpis sa iyong Ama mula sa araw na ito
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.-siya ay nagsabi: Nang tumindi ang sakit ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bumalot sa kanya ang paghihinagpis,nagsabi si Fatimah-malugod si Allah sa kanya:Naghihinagpis ka o Mahal kong Ama,Nagsabi siya: (( Wala ng paghihinagpis sa iyong Ama mula sa araw na ito)) At nang siya ay pumanaw,Sinabi niyang: O mahal kong Ama,Tinanggap ng Panginoon ang panalangin niya!,O mahal kong Ama,Ang Paraiso ng Al-Firdaws ang titirahan niya! O mahal kong Ama, at kay Anghel Jibrel namin ipapaalam ang pagpanaw niya! At nang siya ay mailibing,nagsabi si Fatimah-malugod si Allah sa kanya-Naging panatag ba ang inyong kalooban na nailibing ninyo [sa mga kamay ninyo] ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa lupa?!
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Kurdî Kiswahili Português සිංහලالشرح
Inilalarawan sa Hadith na ito ang pagtitimpi ng Propeta natin-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanyang paghihingalo,At nang tumindi ang sakit niya, na siyang naging dahilan ng ikinamatay niya,bumalot sa kanya ang paghihinagpis dahil sa tindi ng dumarating sa kanya,Dahil tumitindi sa kanya ang hapdi at sakit,at ito ay dahil sa ganap na layuning;Upang makamit niya mula sa Allah ang pinakamataas na antas o bahagdan,bilang gantimpala sa pagtitiis niya.At kapag bumabalot sa kanya ang paghihinagpis,Sinasabi ni Fatimah-malugod si Allah sa kanya-"Naghihinagpis ka o Mahal kong Ama"Nasasaktan siya para sa kanya dahil paghihinagpis niya dahil siya ay babae,at ang babae ay hindi nakakatiis.Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Wala ng paghihinagpis sa iyong ama mula sa araw na ito" Sapagkat ng siya ay lumipat mula sa mundo,lumipat siya sa pinakamataas na bahagdan ng Paraiso-pagpalain siya ni Alah at pangalagaan-.Tulad ng sinasabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang bumbalot sa kanya ang kamatayan-"O Allah! Sa pinakamataas na bahagdan ng Paraiso,O Allah! Sa pinakamataas na bahagdan ng Paraiso,At tumitingala siya sa bubong ng bahay-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Pumanaw ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-gumawa siya-malugod si Allah sa kanya ng paggalos,subalit ito ay maliit lamang.Hindi bilang pagpapatunay ng pagkapoot sa itinadhana ni Allah at itinakda Niya. At sa pagsabi niyang: "Tinanggap ng Panginoon ang panalangin niya!"Sapagkat ang Allah-Pagkataas-taas Niya-ay nasa Kamay Niya ang paghahari sa lahat ng bagay,gayundin ang kamatayan ng mga nilikha ay nasa Kamay Niya,Tinugon ang panalangin niya sa Allah-na kapag siya ay pumanaw-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay magiging katulad siya ng ibang mananampalataya,tataas ang kaluluwa niya hanggang sa hihinto ito sa harapan ni Allah-Napakamaluwalhati Niya-sa taas ng ikapitong kalangitan.At ang pagsabi niya ng: "O mahal kong Ama,Ang Paraiso ng Al-Firdaws ang titirahan niya! " pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sapagkat siya ang magkakamit ng pinakamataas na bahagdan o antas ,mula sa mga likha,sa Paraiso,Tulad ng sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Hilingin ninyo sa Allah para sa akin na maging tagapamagitan;Sapagkat ito ay isang [mataas] na bahagdan sa Paraiso,hindi karapat-dapat maliban sa isang alipin mula sa mga alipin ni Allah,At hinihiling ko na ito ay maging ako" At walang pag-aalinlangan na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kanyang titirahan ang Jannah Al-Firdaws [pinakamataas ng bahagdan ng Praiso],at ang Jannah Al-Firdaws [pinakamataas ng bahagdan ng Praiso] ay ang pikamataas na bahagdan ng Paraiso,at ang bubong niya na nasa itaas niya ay ang `Arsh o Trono ng Panginoon-kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya-At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nasa pinakamataas na bahagdan nito,At angpagsabi niyang: "at kay Anghel Jibrel namin ipapaalam ang pagpanaw niya" At sinabi niya: Tunay na ipapaalam namin ang pagpanaw niya kay Jibrel,sapakat si Jibrel ang siyang dumarating sa kanya,at nagtuturo sa kanya sa Wahiy [kapahayagan],sa panaho na siya ay buhay pa.At ang Wahiy [kapahayagan] ay naka-ugnay sa buhay ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-.Pagkatapos nito,at nang siya ay buhatin at ilibing,Nagsabi siya-malugod si Allah sa kanya-"Naging panatag ba ang inyong kalooban na nailibing ninyo [sa mga kamay ninyo] ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa lupa?!" Ibig sabihin:Dahil sa tindi ng pagkalungkot niya sa kanya,at dahil sa lungkot at pighati [na nararamdaman niya] sa paghiwalay niya sa ama niya,at sa kaalaman niya na ang mga kasamahan ng Propeta-maugod si Allah sa kanila-at pinuno ni Allah ang kanilang mga puso sa pagmamahal sa Sugo ni Allah-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-kaya itinanong niya sa kanila ang tanong na ito, Subalit si Allah-Napakamaluwalhati Niya-Tanging sa Kanya lamng ang paghahatol,at sa Kanya ang pagbabalik,Tulad ng Sinabi ni Allah sa Kanyang Aklat: ((Katotohanang ikaw [O Muhammad] ay mamatay at katotohanang sila ay mamamatay))