Tiyak ang dakilang Allah itinipon sa akin ang lupa, dahil doon nakita ko ang silangan niya at ang kanluran niya, at tiyak ang aking ummah (nasyon) aabot ang kanyang kapangyarihan sa kung ano ang naitipon sa akin, at ako'y nabigyan ng dalawang kayaman ang pula (ginto) at ang puti (pilak).

Tiyak ang dakilang Allah itinipon sa akin ang lupa, dahil doon nakita ko ang silangan niya at ang kanluran niya, at tiyak ang aking ummah (nasyon) aabot ang kanyang kapangyarihan sa kung ano ang naitipon sa akin, at ako'y nabigyan ng dalawang kayaman ang pula (ginto) at ang puti (pilak).

Mula kay Thawban -Malugod si Allah sa kanya- katotohanan ang Sugo ni Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi: "Tiyak ang dakilang Allah itinipon sa akin ang lupa, dahil doon nakita ko ang silangan niya at ang kanluran niya, at tiyak ang aking ummah (nasyon) aabot ang kanyang kapangyarihan sa kung ano ang naitipon sa akin, at ako'y nabigyan ng dalawang kayaman ang pula (ginto) at ang puti (pilak). At katotohanan hiniling ko sa aking panginoon para sa aking ummah na hindi niya siyang wawasakin sa pamamagitan ng tagtuyot, at hindi sila pangingibawan ng mga kalaban maliban sa kanilang sarili at hindi kamkamin ang kanilang lugar kahit pa sila ay nagkaisa laban sa kanila mula sa iba't ibang lugar. Hangga't ang iba sa kanila papatayin ang kasama nila, at iba sa kanila ay lusubin ang kasama nila". At inulat ni Al-barqaniy sa kanyang aklat, at dinagdagan niya: "At katotohanan ang aking ikinatatakot sa aking tauhan ay mga A-immah (pinuno) mangliligaw ng landas, at kapag lumagpak sa kanila ang espada hindi na ito maiangat hanggang sa huling araw, at hindi tatayo ang oras hangga't sasama ang buhay mula sa aking mga tauhan sa mga mushrikeen (magtatambal), at hangga't sisimbahin mula sa aking tauhan ang mga idolo. At magkakaroon mula sa aking tauhan na tatlumpung sinunggaling; lahat sila'y umako na siya ay sugo, at ako ang huling sugo wala ng sugo pagkatapos ko. At manatili ang grupo mula sa aking mga tauhan na nasa katotohanan ay mananalo hindi sila maapektuhan ng sinuman ang magpabaya sa kanila hanggang sa dumating ang pasya ng Allah -mapagpala Siya at pagkataas-taas".

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ito'y isang malaking hadith sakop niya ang mahalagang bagay at mga balitang totoo, sinabi siya ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- tiyak ang dakilang Allah tinipon sa kanya ang lupa hangga't sa nakita niya ang naangkin ng kanyang bayan mula sa pinakamataas na bahagi ng silangan at kanluran, at ito'y balita na natagpuan ang kanyang maysabi, katotohanan lumuag ang kapangyarihan ng kanyang bayan hanggang umabot mula sa pinakamataas na silangan patungong pinakamataas na kanluran, at sinabi niya nabigyan siya ng dalawang kayamanan at nangyari ito tulad ng kanyang sinabi, tiyak na nakuha ng kanyang tauhan ang dalawang kapangyarihan ng Kisra at Caesar kung saan nandyan sa kanila ang ginto, pilak, at kakanyahan. Sinabi niya na hiniling niya sa kanyang panginoon para sa kanyang bayan (ummah) na huwag silang pinsalain dulot ng tagtuyot at huwag sila pangibabawan ng mga kalaban mula sa kuffar umangkin sa kanilang mga lugar at puksain ang kanilang pagkakaisa, at ang dakilang Allah binigay sa kanya ang unang kahilingan, at binigay din sa kanya ang pangalawang kahilingan habang ang bayan ay ligtas sa sigalutan, pagkanya-kanya, at agawan sa pagitan nila, at kung mangyari sa kanila ang mga iyon pangibabawan sila ng mga kalaban mula sa mga kuffar, at ito'y nangyari nung nagkawatak-watak na ang ummah (bayan). At pinangambahan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang tauhan niya sa panganib ng mga pinuno at ligaw-mangliligaw na may-alam (ulama'); sa pagka't ang mga tao ay sumasama sa kanilang pangliligaw na landas, at sinabi niya na kapag mangyari ang fitnah at patayan sa ummah iyon ay tuluy-tuloy hanggang sa huling araw at nangyari na tulad ng kanyang sinabi, simula ng nangyari ang fitnah sa pagkamatay ni Uthman -Malugod si Allah sa kanya- siya tuluy-tuloy hanggang sa huling araw. At sinabi niya ang ibang tauhan niya susuno sa mga mushrikeen sa kanilang mga tirahan at relihiyon. At mga grupo mula sa Ummah ay lilipat patungong Shirk (pagtambal sa Allah) at nangyari na, isinamba ang mga puntod, kahoy, at mga bato. At sinabi niya na may lulutang na mga tao umaangkin ng pagkapropeta -at lahat ng umaako niyon ay sinunggaling- sa pagka't tapos na ang pagpadala sa pagkapropeta niya -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at binalaan ang mga grupo mula sa tauhan niya na manatili sa Islam kahit gayun pa man ang mga sakuna at pananakit, tiyak ang mga grupong ito ganun pa man ang konti nila ay hindii masasaktan o maapektuhan mula sa pakana ng mga kalaban at pag-labag sa kanila.

التصنيفات

Ang Awa Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan