إعدادات العرض
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naglalagay ng tubig sa ulo niya nang tatlong beses
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naglalagay ng tubig sa ulo niya nang tatlong beses
Ayon kay Abe Ja`far Muhammad bin `Ali bin Al-Husayn bin `Ali bin Abe Talib,Siya at ang ama niya ay kasama si Jabir bin `Abdillah,at kasama nila ang mga tao,Tinanong nila ito tungkol sa pagligo?Nagsabi siya: Ang isang Saa ay sapat na sa iyo,Nagsabi ang isang lalaki:Hindi ito sapat sa akin,Nagsabi si Jabir: Ito ay sapat na mula sa taong higit na makapal sa iyo ang buhok at higit na mainam kaysa sa iyo-Tinutukoy niya rito ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos ay nagdasal siya sa amin gamit ang isang damit ,At sa ibang pananalita:((Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naglalagay ng tubig sa ulo niya nang tatlong beses))
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Tiếng Việtالشرح
Sina Abu Ja`far Muhammad bin `Ali at ang ama nito ay kasama ang marangal na kasamahan ng Propeta na si Jabir bin `Abdillah-malugod si Allah sa kanya-at kasama nila ang mga tao,Nagtanong ang isang lalaki mula sa mga tao kay Jabir,kung ilang sukat ng tubig ang magiging sapat na pampaligo para sa taong Junub,Nagsabi siya: Sapat na sa iyo ang isang Saa.At si Hasan bin Muhammad bin Al-Hanafiyyah ay kasama sa mga tao na nandoon kay Jabir,Sinabi niyang:Ang sukat na ito ay hindi sapat para sa akin sa pagligo mula sa pagiging Junub.Nagsabi si Jabir:Ito ay sapat na para sa taong higit na makapal at marami ang buhok kaysa sa iyo,at higit na mainam sa iyo,at siya ay higit na mapagmasid sa iyo sa paglilinis niya at relihiyon niya-ibig sabihin ay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ito ay paghihimok sa pagsunod sa Sunnah at pag-iwas sa pagwawaldas ng tubig sa pagligo,Pagkatapos ay nagdasal sa kanila si Jabir bilang Imam.التصنيفات
Ang Ghusl