إعدادات العرض
Dumating ang isang lalaki sa Propeta-pagpalaain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi niyang: O Sugo ni Allah,Gusto kong maglakbay,bigyan mo ako ng pabaon,Nagsabi siya:(( Naway pabaunan ka ni Allah ng Takot [sa Allah]))
Dumating ang isang lalaki sa Propeta-pagpalaain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi niyang: O Sugo ni Allah,Gusto kong maglakbay,bigyan mo ako ng pabaon,Nagsabi siya:(( Naway pabaunan ka ni Allah ng Takot [sa Allah]))
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Siya ay nagsabi:Dumating ang isang lalaki sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi niyang: O Sugo ni Allah,Gusto kong maglakbay,bigyan mo ako ng pabaon,Nagsabi siya:(( Naway pabaunan ka ni Allah ng Takot [sa Allah])) Nagsabi siya: Dagdagan mo pa ako,Nagsabi siya:(( At patawarin Niya ang iyong mga kasalanan)) Nagsabi siya: Dagdagan mo pa ako, Nagsabi siya:(( At maging magaan para sa iyo ang kabutihan saan ka man naroroon))
[Maganda, Gharib] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdîالشرح
Ayon kay Anas bin Mālik malugod si Allah sa kanya-Na ang isang lalaki ay dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagnanais na maglakbay,Dumating siya upang magpaalam sa kanyang paglalakbay at humihiling ng baon,Ipinalangin siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng panalanging, ang magiging pakinabang nito at tulad ng baon,Ang magiging baon niya ay ang pagsunod sa mga ipinag-uutos at pag -iwas sa mga ipinagbabawal,Pagkatapos ay inulit niya ang paghiling ng dagdag,na may pagsusumamo sa kabutihan at pagpapala sa panalangin.Tinugon siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa karagdagan niyang kahilingan. Upang maging panatag ang kanyang puso. Nagsabi siya: At Naway patawarin ang iyong mga kasalanan.Pagkatapos ay inulit parin niya ang karagdagang paghiling na may pagsusumamo sa mga kabutihan at pagpapala sa panalangin,Walang ibang ginawa ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-maliban sa ibigay sa kanya ang may nakapagandang pagtatapos [na pananalangin] na may pangkalahatang kabutihan at tagumpay, ipinanalangin Niya sa kanya na maging magaan para sa kanya ang dalawang mundo at kabilang buhay, sa kahit saang lugar siya mapunta at kahit Anong panahon siya mapadpad