Nagsabi siya: Huwag na huwag mong ipagsabi ang lihim ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--sa kahit sinuman,Nagsabi si Anas: Sumpa sa Allah.Kung may sinabihan ako nito,sinabi ko na ito sa iyo,o Thabit

Nagsabi siya: Huwag na huwag mong ipagsabi ang lihim ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--sa kahit sinuman,Nagsabi si Anas: Sumpa sa Allah.Kung may sinabihan ako nito,sinabi ko na ito sa iyo,o Thabit

Ayon kay Thabit at Anas , malugod si Allāh sa kanya-Nagsabi siya:Dumating si Ali sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--habang ako ay nakikipaglaro sa dalawang bata,Bumati siya sa amin,Inutusan niya ako sa kanyang pangangailangan,At naging mabagal ako sa aking ina,At nang dumating ako,Nagsabi siya: Ano ang nagpatagal sa iyo?Nagsabi ako:Inutusan ako ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--sa kanyang pangangailangan,Nagsabi siya:Ano ang kailangan niya:Sinabi ko: ito ay lihim;Nagsabi siya: Huwag na huwag mong ipagsabi ang lihim ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--sa kahit sinuman,Nagsabi si Anas: Sumpa sa Allah.Kung may sinabihan ako nito,sinabi ko na ito sa iyo,o Thabit

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Ayon kay Thabit buhat kay Anas-lingkod ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay dumaan sa kanya habang siya ay nakikipaglaro sa mga bata;Dahil si Anas ay isang musmos na bata,Bumati siya sa mga bata habang sila ay naglalaro,Pagkatapos ay tinawag niya si Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya-inutusan niya ito sa kanyang kailangan.Natagalan siya sa pag-uwi sa kanyang ina,At nang dumating siya sa kanya,tinanong niya ito: Ano ang nagpatagal sa iyo?Nagsabi siya: Napag-utusan ako ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanyang pangangailangan; Nagsabi siya: Ano ang kanyang kailangan?Nagsabi siya: Hindi ko maaaring sabihin ang lihim ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--Ibig sabihin: ay hindi ko sasabihin sa sinuman ang lihim na ito;Nagsabi siya: Huwag na huwag mong ipagsabi ang lihim ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Bilang pagsisiguro at pagtitibay sa kanya,at pagtatag ng paghingi ng paumanhin sa kanya;Dahil tumanggi siya na sabihin sa kanya ang lihim ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos ay sinabi ni Anas sa kanyang estudyante na si Thabit Al-Banani;at laging sumasama sa kanya,Kung may sasabihan man ako sa pangangailan na ipinag-utos sa akin ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sinabi ko na ito sa iyo.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Kasamahan ng Propeta – malugod si Allāh sa kanila