Ang pinakamainam sa mga kawanggawa ay lilim ng kubol alang-alang sa landas ni Allah, kaloob sa isang tagapaglingkod alang-alang sa landas ni Allah, o inahing kamelyo alang-alang sa landas ni Allah.

Ang pinakamainam sa mga kawanggawa ay lilim ng kubol alang-alang sa landas ni Allah, kaloob sa isang tagapaglingkod alang-alang sa landas ni Allah, o inahing kamelyo alang-alang sa landas ni Allah.

Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang pinakamainam sa mga kawanggawa ay lilim ng kubol alang-alang sa landas ni Allah, kaloob sa isang tagapaglingkod alang-alang sa landas ni Allah, o inahing kamelyo alang-alang sa landas ni Allah."

[Maganda] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ang kahulugan ng hadith: Na ang pinakamainam na maipangkakawanggawa ng tao ay ang tatlong ito: lilim ng kubol o bigay sa isang tagapaglingkod o isang inahing kamelyo na naging karapat-dapat sa lalaking kamelyo. Ang kawanggawa ay ibibigay sa mga nakikibaka sa landas ni Allah o sa iba pa sa kanila na mga nangangailangan sapagkat iyon bahagi ng gawaing alang-alang sa landas ni Allah, pagkataas-taas Niya. Marahil ang kainaman ng mga ito ay dahil sa pangangailangan ng mga tao sa mga ito noong panahong iyon. Ninais ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, paibigin sila sa mga ito. Sa ngayon naman, ang pangangailangan ng mga tao sa mga ito ay maaaring wala na o umiiral sa ilang dako sa kakaunting posibilidad. Ang panuntunan ay nakabatay sa nakararami. Ang hadith na ito ay nakakawangis ng isang hadith ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na sinabi niya: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: O `Ā’ishah, ang isang bahay na walang datiles sa loob nito ay mga gutom ang mag-anak nito." Isinaysay ito ni Muslim. Nagsabi si Shaykh Ibnu Bāz, kaawaan siya ni Allah: "Ito ay pumapatungkol sa ganang mga alagad ng kaalaman sa sinumang bahagi ng pagkain niya ang datiles gaya ng mga naninirahan sa Madīnah noong panahon niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at sa mga kawangis nila na kumakain ng datiles."

التصنيفات

Ang Kawanggawa ng Pagkukusang-loob