Ḥadīth ng kuwento ni Barīrah at asawa nito

Ḥadīth ng kuwento ni Barīrah at asawa nito

Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, hinggil sa kuwento ni Barīrah at asawa nito ay nagsabi siya: "Nagsabi sa kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Kung bumalik ka sana sa kanya. Nagsabi ito: O Sugo ni Allah, inuutusan mo po ba ako? Nagsabi siya: Namamagitan lamang ako. Nagsabi ito: Walang pangangailangan sa akin sa kanya."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ang asawa ni Barīrah noon, malugod si Allah sa kanya, ay isang alipin na tinatawag na Mughīth, malugod si Allah sa kanya. Si Barīrah noon ay naglilingkod kay `Ā'ishah bago siya nabili. Noong napalaya siya nito ay pinapili siya: ang manatili kay Mughīth o ang makipaghiwalay. Nakipaghiwalay si Barīrah, malugod si Allah sa kanya, rito. Kaya si Mughīth, malugod si Allah sa kanya, matapos ang pagkasirang ito ng mag-anak, ay sumusunud-sunod sa kanya sa mga lansangan at mga daan ng Madīnah, na umiiyak at ang mga luha nito ay dumadaloy sa balbas nito. Ito ay dahil sa tindi ng pag-ibig niya kay Barīrah, malugod si Allah sa kanya. Umaasa ito na bawiin niya ang pakikipaghiwalay at bumalik siya rito. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kay Barīrah, malugod si Allah sa kanya: "Kung bumalik ka sana sa kanya, talagang magkakaroon ka ng gantimpala." Nagsabi si Barīrah, malugod si Allah sa kanya: "O Sugo ni Allah, inuutusan mo po ba ako na bumalik sa kanya bilang tungkulin?" Nagsabi siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Pumapagitna lamang ako para sa kanya." Nagsabi ito: "Wala akong balak ni pagkaibig sa pakikipagbalikan sa kanya."

التصنيفات

Ang Ugnayan sa Pagitan ng Lalaki at Babae