إعدادات العرض
Lumisan kami kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang paglalakbay na dinapuan ang mga tao roon ng kasalatan
Lumisan kami kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang paglalakbay na dinapuan ang mga tao roon ng kasalatan
Ayon kay Zayd bin Arqam, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Lumisan kami kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang paglalakbay na dinapuan ang mga tao roon ng kasalatan kaya nagsabi si `Abdullāh bin Ubayy [sa mga kasamahan niya]: "Huwag kayong gumugol sa mga kapisan ng Sugo ni Allāh hanggang sa sila ay maghiwa-hiwalay." Nagsabi pa siya: "Talagang kung babalik tayo sa Madínah, talagang palilisanin nga ng pinakamarangal mula roon ang pinakahamak." Pinuntahan ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ibinalita ko sa kanya iyon kaya nagpasugo siya kay `Abdullāh bin Ubayy at nagpunyagi ito sa panunumpa nito na hindi nito sinabi. Kaya nagsabi sila: "Nagsinungaling si Zayd sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya bumagsak sa sarili ko ang isang bagabag hanggang sa nagbaba si Allāh, pagkataas-taas Niya, ng pagpapatotoo sa akin: "Kapag dumating sa iyo ang mga nagpapanggap". Pagkatapos ay inanyayahan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, upang humingi ng tawad para sa kanila ngunit iniling-iling nila ang mga ulo nila.
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහලالشرح
Binabanggit ni Zayd bin Arqam, malugod si Allāh sa kanya, na siya noon ay kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang paglalakbay. Kasama niya ang mga mananampalataya at ang mga nagpapanggap. Dinapuan ang mga tao ng kagipitan at kasalatan dahil sa kakauntian ng taglay nilang baon. Nagsalita si `Abdullāh bin Ubayy bin Salūl, ang ulo ng kawalang-pananampalataya at pagpapanggap, at nagsabi (Qur'ān 63:7): "Huwag kayong gumugol sa mga kapisan ng Sugo ni Allāh hanggang sa sila ay maghiwa-hiwalay." Nangangahulugan ito: Huwag kayong magbigay sa kanila ng anuman mula sa gugulin hanggang sa magutom sila, magkahati-hati sila, at iwan nila ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi pa siya (Qur'ān 63:7): "Talagang kung babalik tayo sa Madīnah, talagang palilisanin nga ng pinakamarangal mula roon ang pinakahamak." Ang tinutukoy: Ang pinakamarangal ay ang sarili niya at ang lipi niya at ang pinakahamak ay ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Narinig iyon ni Zayd bin Al-Arqam, malugod si Allāh sa kanya, kaya pumunta ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ibinalita sa kanya na si `Abdullāh bin Ubayy bin Salūl ay nagsasabi ng ganito at ganoon. Nagbibigay-babala ito laban doon kaya nagpasugo roon ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nanumpa iyon. Tinindihan niyon ang panunumpa na hindi nagsabi ng gayon. Ito ay nakahiratian ng mga nagpapanggap: nanunumpa sila sa kasinungalingan gayong nalalaman nila ang totoo. Nanumpa siya na hindi niya sinabi iyon. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay tumatanggap noon ng paghahayag nila at nagpapaubaya kay Allāh ng paglilihim nila. Noong nakarating iyon kay Zayd bin Al-Arqam, nasaktan siya ng usapin dahil ang tao ay nanumpa, nanindigan sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagpunyagi sa panunumpa niya roon kaya nagsabi ang mga tao: "Nagsinungaling si Zayb bin Al-Arqam sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan." Nangangahulugan ito: Nagbalita si Zayd bin Al-Arqam sa Sugo ni Allāh ng balitang sinungaling. Nasaktan niyon si Zayd bin Al-Arqam hanggang sa nagpababa si Allāh ng isang patotoo at nilinaw Niya sa sabi Niya: "Kapag dumating sa iyo ang mga nagpapanggap". Nangangahulugan ito: Ang Sūrah patungkol sa mga nagpapanggap. Pagkatapos ay inanyayahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga nagpapanggap, na ang ulo nila ay si `Abdullāh bin Ubayy, upang humingi siya ng tawad kay Allāh para sa kanila dahil sa namutawi mula sa kanila na bastos na pananalita ngunit inayawan nila iyon bilang pagmamalaki at panghahamak sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil sa siya ay hihingi ng tawad para sa kanila kay Allāh, pagkataas-taas Niya.التصنيفات
Ang Pagpapaimbabaw