Kapag ang isang Muslim ay nagtanim ng isang tanim, ang anumang kinain mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, ang anumang ninakaw mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, at walang magbabawas rito na isa man malibang magiging isang kawanggawa ukol sa kanya.

Kapag ang isang Muslim ay nagtanim ng isang tanim, ang anumang kinain mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, ang anumang ninakaw mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, at walang magbabawas rito na isa man malibang magiging isang kawanggawa ukol sa kanya.

Ayon kay Jābir bin Abdullāh, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag ang isang Muslim ay nagtanim ng isang tanim, ang anumang kinain mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, ang anumang ninakaw mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, at walang magbabawas rito na isa man malibang magiging isang kawanggawa ukol sa kanya." Sa isang sanaysay: "Hindi nagtatanim ang isang Muslim ng isang pananim ni hindi nagsasaka ng isang sakahin at kumain mula rito ang isang tao o isang hayop o anuman malibang ito ay magiging isang kawanggawa ukol sa kanya." Isinaysay nilang dalawang ito nang magkasama mula sa sanaysay ni Anas, malugod si Allāh sa kanya.

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth: Walang isa mang kabilang sa mga Muslim na nagtatanim ng isang pananim o nagsasaka ng isang sakahin at kumain mula rito ang isang buhay kabilang sa mga buhay sa mga nilikha malibang gagantimpalaan siya dahil doon kahit pa matapos ang kamatayan niya at magpapatuloy para sa kanya ang gawain niya hanggat nanatili ang sinaka niya at itinanim niya. Nasaad sa ḥadīth ng paksa ang paghimok sa pagsasaka at sa pagtatanim, at na ang pagtatanim ay may dulot na maraming kabutihan, may kapakanan sa relihiyon, at kapakanan sa makamundong buhay. Kapag may kumain mula rito, ito ay magiging isang kawanggawa sa nagtanim. Ang higit na kahanga-hanga roon: kung sakaling nagnakaw mula roon ang isang magnanakaw, gaya ng kung sakaling may pumuntang isang tao, halimbawa, sa puno at nagnakaw mula roon ng bunga, tunay na ang may-ari nito ay may gantimpala dahil doon gayong kung sakaling nalaman niya ang magnanakaw na ito ay talagang idedemanda niya ito sa hukuman. Sa kabila niyon, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay magtatala para sa kanya dahil sa pagnanakaw na ito ng isang kawanggawa hanggang sa Araw ng Pagkabuhay! Gayon din kapag kumain mula sa tanim na ito ang mga hayop ng lupa at ang mga kulisap nito, ang may-ari nito ay magkakaroon ng kawanggawa. Itinangi ng ḥadīth ang Muslim dahil siya ang makikinabang sa gantimpala ng kawanggawa sa Mundo at Kabilang-buhay.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Islām at ang mga Kagandahan Nito