Ang paghahalintulad sa nakikibaka sa landas ni Allāh ay katulad ng nag-aayuno, na nagdarasal sa gabi, na sumusunod sa mga talata ni Allāh: hindi nananamlay sa pag-aayuno ni sa pagdarasal, hanggang sa makabalik ang nakikibaka sa landas ni Allāh.

Ang paghahalintulad sa nakikibaka sa landas ni Allāh ay katulad ng nag-aayuno, na nagdarasal sa gabi, na sumusunod sa mga talata ni Allāh: hindi nananamlay sa pag-aayuno ni sa pagdarasal, hanggang sa makabalik ang nakikibaka sa landas ni Allāh.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Sinabi: "O Sugo ni Allāh, ano ang nakatutumbas sa pakikibaka sa landas ni Allāh?" Nagsabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Kaya inulit nila sa kanya nang dalawang ulit o tatlo; bawat isa roon ay nagsasabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Ang paghahalintulad sa nakikibaka sa landas ni Allāh ay katulad ng nag-aayuno, na nagdarasal sa gabi, na sumusunod sa mga talata ni Allāh: hindi nananamlay sa pag-aayuno ni sa pagdarasal, hanggang sa makabalik ang nakikibaka sa landas ni Allāh." Sa sanaysay ni Imām Al-Bukhārīy: May isang lalaking nagsabi: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing nakatutumbas sa pakikibaka." Nagsabi siya: "Hindi ko natatagpuan iyon." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Makakaya mo ba, kapag lumabas ang nakikibaka, na pumasok sa masjid mo at magdasal ka sa gabi at hindi ka mananamlay, at mag-ayuno ka at hindi ka mananamlay?" Nagsabi ito: "Sino po ang makakakaya niyon?"

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Sa ḥadīth na ito, sa dalawang pagkasanaysay nito, nagtanong ang mga Kasamahan sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa isa sa mga gawain ng pagpapakabuti at mga pagtalima na nakatutumbas sa pakikibaka sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa kabayaran at gantimpala. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ninyo makakaya iyon." Nangangahulugan itong ang gawaing nakatutumbas sa pakikibaka ay wala kayong lakas doon. Kaya inulit nila sa kanya nang dalawang ulit o tatlo; bawat isa roon ay nagsasabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Pagkatapos ay nilinaw niya sa kanila ang gawaing iyon na hindi nila makakaya. Iyon ay ang pananatili sa pag-aayuno, pagdarasal sa gabi, at pagbigkas ng Qur'ān nang walang pananamlay ni pagkaputol. Walang dudang ito ay wala sa kakayanan ng tao. Dahil dito, nagsabi ang Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga sa pasimula: "Hindi ninyo makakaya iyon." Sa sanaysay ni Imām Al-Bukhārīy: May isang lalaking kabilang sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na humiling sa kanya na gabayan sa isang gawaing nakatutumbas sa pakikibaka sa kalagayan nito, halaga nito, at bigat ng kabayaran nito at gantimpala nito. Nagsabi siya rito: "Hindi ko natatagpuan iyon." Nangangahulugan: "Hindi ako nakatatagpo ng isang gawaing nakatutulad sa pakikibaka at nakapapantay rito." Nasaad sa Ṣaḥīḥān: "Talagang ang paglisan sa umaga sa landas ni Allāh o ang paglisan sa gabi ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa loob nito." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Makakaya mo ba, kapag lumabas ang nakikibaka, na pumasok sa masjid mo at magdasal ka sa gabi at hindi ka mananamlay, at mag-ayuno ka at hindi ka mananamlay?" Ang kahulugan: "Makakaya mo ba na sa sandaling lumabas ang nakikibaka mula sa bahay niya para makibaka sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, na pumasok ka sa masjid mo at manatili ka roon para sa pagsambang sa paraang palagian: babangon ka sa gabi para magdasal nang walang pagkaputol, at ipagpapatuloy mo ang pag-aayuno nang walang paghinto? Kapag nangyaring ito ay posible, tunay na ito lamang ang nakatutumbas sa pakikibaka." Sa sandaling iyon, nagsabi ang lalaki: "Sino po ang makakakaya niyon?" Nangangahulugan: "Sino ang nakakakaya sa pagpapatuloy sa pagdarasal nang walang pagkaputol at sa pag-aayuno nang walang paghinto. Walang dudang iyon ay bagay na higit sa makakaya ng tao."

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Jihād