إعدادات العرض
Ang sinumang naggarantiya sa akin na hindi siya hihingi sa mga tao ng anuman ay igagarantiya ko sa kanya ang Paraiso.
Ang sinumang naggarantiya sa akin na hindi siya hihingi sa mga tao ng anuman ay igagarantiya ko sa kanya ang Paraiso.
Ayon kay Thawbān, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang naggarantiya sa akin na hindi siya hihingi sa mga tao ng anuman ay igagarantiya ko sa kanya ang Paraiso." Kaya nagsabi ako: "Ako po." Kaya hindi na siya nanghihingi sa isa man ng anuman.
[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdîالشرح
Ang kahulugan ng ḥadīth: Na ang sinumang mangako sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng paghinto sa panghihingi sa mga tao at sa pagpapatulong sa kanila sa pagtugon sa mga pangangailangan, kaunti man o marami, igagarantiya niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,dito ang Paraiso. Iyon ay dahil sa ang paghinto sa panghihingi sa mga nilikha ay tanda ng pananalig kay Allah at patunay sa lakas ng pag-asa at pagtitiwala kay Allah, pagkataas-taas Niya. Kaya ang ganti sa kanya ay ang pagpapasok sa kanya ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa Paraiso. Matapos marinig ni Thawbān, malugod si Allah sa kanya, ang pananalitang ito, nangako siya sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na hindi siya hihingi sa mga tao ng anuman. May nasaad tungkol sa kanya, malugod si Allah sa kanya, gaya ng nasa sanaysay ni Ibnu Mājah: "Kapag nalalalag noon ang latigo niya samantalang siya ay nakasay, hindi siya nagsasabi sa isa man na iabot ito sa kanya yamang bumababa siya at kinukuha ito." Ito ay bilang pagtupad sa pangako na taimtim niyang ginawa sa sarili sa harap ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.