Nagsusuot lamang ng sutla ang sinumang walang bahagi sa kanya.

Nagsusuot lamang ng sutla ang sinumang walang bahagi sa kanya.

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya: "Nagsusuot lamang ng sutla ang sinumang walang bahagi sa kanya." Sa isang sanaysay batay kay Imām Al-Bukhārīy: "ang sinumang walang bahagi sa kanya sa Kabilang-buhay."

[Tumpak] [napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niya]

الشرح

Ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang sutla ay hindi isinusuot ng mga lalaki maliban ng sinumang walang parte sa kanya at walang bahagi sa kanya sa Kabilang-buhay. Ito ay nagsasaad ng isang matinding banta dahil ang sutla ay kabilang sa kasuutan ng mga babae at kabilang sa kasuutan ng mga maninirahan sa Paraiso. Walang nagsusuot nito sa Mundo maliban sa mga may pagmamalaki, paghanga sa sarili, at kapalaluan. Dahil dito, ipinagbawal niya ang pagsusuot nito. Ang pagbabawal ay nauukol sa natural na sutla subalit nararapat sa lalaki na hindi magsuot kahit pa ng artipisyal na sutla dahil sa taglay nito na pagkabinabae at pagwawangis sa mga masuwayin.

التصنيفات

Ang Kasuutan at ang Gayak