إعدادات العرض
Walang zakāh na tungkulin sa Muslim sa alipin niya ni sa kabayo niya.
Walang zakāh na tungkulin sa Muslim sa alipin niya ni sa kabayo niya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Walang zakāh na tungkulin sa Muslim sa alipin niya ni sa kabayo niya." Sa isang pananalita: "maliban sa zakātulfiṭr sa alipin."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdîالشرح
Ang batayan ng zakāh ay nasa pagkakapantay at katarungan. Dahil dito, isinatungkulin ni Allah, (t), sa mga yaman ng mga mayaman na lumalago at nakahanda sa paglago gaya ng lumalabas sa lupa at mga paninda ng pangangalakal. Tungkol naman sa mga yamang hindi lumalago, ang mga nanatili sa pagmamay-ari at paggamit, ang mga ito ay walang zakāh sa may-ari ng mga ito dahil sa pagkakalaan sa Muslim ng mga ito para sa sarili niya. Iyon ay gaya ng sasakyang kabayo, kamelyo, kotse, at gayon din ang alipin niyang nakalaan sa paglilingkod, ang higaan niya, at ang mga sisidlan niyang nakalaan para gamitin. Subalit itinatangi mula roon ang zakātulfiṭr para sa alipin sapagkat ito ay kinakailangan kahit pa man hindi nakalaan para sa pangangalakal dahil ito ay nakaugnay sa katawan hindi sa yaman.