Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagpapatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw].Nagsabi sila: Tunay na ikaw ay nagpatuloy? Nagsabi siya: Ako ay hindi katulad sa katangian ninyo,Ako ay pinapakain at pinapainom

Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagpapatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw].Nagsabi sila: Tunay na ikaw ay nagpatuloy? Nagsabi siya: Ako ay hindi katulad sa katangian ninyo,Ako ay pinapakain at pinapainom

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-Hadith na Marfu: ((Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagpapatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw].Nagsabi sila: Tunay na ikaw ay nagpatuloy? Nagsabi siya: Ako ay hindi katulad sa katangian ninyo,Ako ay pinapakain at pinapainom)) ((Ang sinuman ang magnais na magpatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw],magpatuloy ito hanggang sa [kainan] sa madaling araw))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kasamahan niya ang pagpatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw],bilang habag at awa sa kanila,Subalit ang mga kasamahan ng Propeta,dahil sa pag-ibig nila sa mga kainaman at pagsusumikap sa anumang [gawaing magiging dahilan] ng paglapit kay Allah,nasiyahan sila sa pagpapatuloy bilang paghuhuwaran sa Propeta-dahil sa pagpapatuloy niya,at nagsabi sila? Tunay na ikaw ay nagpapatuloy.Sinabi niya sa kanila na ,sa kanya ay may nagpapakain,na nagpapakain sa kanya,at nagpapa-inom na nagpapainom sa kanya,bilang pumapalit sa kanyang mga pagkain at inumin.Subalit kung sinuman sa inyo ang magnais na magpatuloy,nararapat sa kanya na magpatuloy hanggang sa [kainan] sa madaling araw.Ang Batas ng Islam ay pagpapatawad at magaan,walang pasakit at pagpapahirap rito,at walang paglalabis at pagpapa-ilalim,dahil ito ay pagpaparusa sa sarili at pagpapasakit sa kanya,at si Allah ay hindi nagbigay ng pasanin sa sinumang kaluluwa maliban sa ito`y kanyang makakayanan.At dahil ang pagpapagaan at pagpapadali ay higit na nanatili sa mga gawain at higit na kataggap-tanggap kaysa sa pagkapagod at pagka-inip.At napapaloob rito ang katarungan na inilagay ni Allah sa kalupaan.,ito ay ang ipagkaloob sa Allah ang anumang ipinag-utos Niya sa kanyang mga alipin,at ipagkaloob sa sarili ang anumang mga pangunahing pangangailangan nito

التصنيفات

Ang Kinasusuklaman Para sa Nag-aayuno, Ang Patnubay Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – sa Pag-aayuno