إعدادات العرض
Ang mga hayop ay walang pananagutan. Ang balon ay walang pananagutan. Ang minahan ay walang pananagutan. Sa [natagpuang] kayamanan ay [nagpapataw ng] ikalimang [bahagi].
Ang mga hayop ay walang pananagutan. Ang balon ay walang pananagutan. Ang minahan ay walang pananagutan. Sa [natagpuang] kayamanan ay [nagpapataw ng] ikalimang [bahagi].
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang mga hayop ay walang pananagutan. Ang balon ay walang pananagutan. Ang minahan ay walang pananagutan. Sa [natagpuang] kayamanan ay [nagpapataw ng] ikalimang [bahagi]."
[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Português Kurdîالشرح
Ipinababatid ni Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa kahatulan ng pananagutan ng pagkasira o pagkabawas ng nagaganap sa ginawa ng hayop o sa pagkahulog sa balon o minahan. Walang pananagutan kaugnay rito sa isa man. Gayon din sa naganap na pagkasira o pagkabawas sa balong binabaan ng tao at ikinasawi niya, o sa minahang binabaan niya at ikinasawi niya dahil ang hayop, ang balon, at ang minahan ay hindi maaari ang paglipat ng pananagutan sa mga ito ni sa nagmamay-ari ng mga ito kapag walang naganap mula rito na pananakit o pagkukulang. Pagkatapos nabanggit niya na sinumang makatagpo ng isang kayaman, kaunti man o marami, tungkulin siyang patawan ng ikalimang bahagi nito dahil natamo ito nang walang hirap at walang pagod, at ang natitira ay ukol sa kanya.التصنيفات
Ang Zakāh ng Lumalabas mula sa Lupa